Master of multitasking ang bagong title... Billboard ni Dingdong, up na sa Times Square
Solid ang billboard ni Dingdong Dantes sa Times Square, New York para sa isang international brand ng shades.
Nasa taping daw si Dingdong nang lumabas ang nasabing digital billboard niya kaya naman ang kanyang post: “Who says you can’t be in two places at once? One moment, I’m in Zambales shooting for @amazingearthph, and the next, my Police eyewear and watch campaign photo is up on the Times Square billboard!
“Just call me the master of multitasking - with my Police gear on, of course.”
Wala na nga atang pahinga si Dingdong dahil nagti-taping na rin sila ngayon ng bago niyang teleserye, Royal Blood.
- Latest