Gerald, abala sa pagiging commissioner!

Kahit abala sa pagiging isang artista ay aktibo rin si Gerald Anderson sa pagiging negosyante.
Dalawa na ang branch ng The Th3rd Floor gym na pag-aari ng aktor. Mayroon na ring Hayati Private Beach Resort sa Zambales si Gerald.
Ayon sa binata ay talagang tutok siya sa sariling mga negosyo. “They’ll just meet me kung sino talaga ako behind the camera. Kung ano ‘yung napapanood mo sa harapan ng camera siyempre hindi ako ‘yon dahil character ‘yon. But as a businessman, tutok talaga ako sa mga negosyo natin. After A Family Affair (2022), nagbuhos talaga ako ng oras sa negosyo,” pahayag ni Gerald.
Kamakailan ay pinangunahan ng aktor bilang commissioner ang Celebrity 3x3 Match. Para kay Gerald ay ibang klaseng karanasan na mapanood ang mga kasamahang artista sa Star Magic na naglalaro ng basketball sa naturang event. “It’s nice, it’s a different experience. It’s very intense games and marami pang games pa. So, it’s nice na makikita mo na nae-experience nila ‘yung ganitong klaseng games. Mag-commissioner lang muna tayo for different events. This is the first leg naman, I’ve just been very busy with this and organizing events,” giit ng binata.
Samantala, magbibida sina Gerald at Kylie Padilla para sa pelikulang Unravel: A Swiss Love Story.
Isa ito sa mga kalahok para sa nalalapit ng Metro Manila Summer Film Festival. “We’ll start promoting that and then after baka gumawa pa ako ng isang pelikula. This year, I want to do more acting projects, something that I really enjoy doing, something that makes me excited and then business,” pagtatapos ng aktor.
Andrea, 12 years old nang naisipang magpayaman
Sumabak na sa pagnenegosyo si Andrea Brillantes. Ang dalaga ang nagsisilbing CEO ng sariling cosmetics brand na Lucky Beauty.
Ayon sa dalaga ay mayroong siyang mga bagay na natutunan sa pagkakaroon ng sariling negosyo. “Huwag ka lang talagang mag-give up. Kasi no’ng nagkaroon ako ng pangarap na magkaroon ng sarili kong business, sabi ko talaga no’ng 12 (years old) ako, ‘Okay, magpapayaman ako. Kailangan kong sumikat para kapag sikat magkakaroon ako ng customers,’” kwento ni Andrea.
Nagbigay ng payo ang aktres para sa mga nagnanais na maabot din ang pangarap na magkaroon ng sariling negosyo. “Kapag gagawa ka ng business, make sure na ito ‘yung mahal mo. Kailangan kasi sa lahat ng bagay na ginagawa natin may love. Kailangan panindigan mo siya. Mag-research nang mag-research,” pagbabahagi ng dalaga.
Samantala, masayang-masaya naman ang kasintahan ni Andrea na si Ricci Rivero para sa sariling negosyong pinasok ng aktres. “Nakikita ko kasi ‘yung effort niya, ‘di ba, at ‘yung willingness niya,” maikling pahayag ng basketball player. (Reports from JCC)
- Latest






















