Pia, nagmukha raw mumurahing sexy star sa London!
Pulos nega ang mga comment ng followers and observers sa reel video ni Pia Wurtzbach habang nirarampa nito ang isang luxury brand sa London.
Masyadong revealing ang top ni Pia eh boobsie ang dating beauty queen kaya talagang umaalog-alog ang kanyang dibdib habang umaawra-awra.
Parang too much na raw at nagmukhang mumurahing sexy star ang dating beauty queen.
Meron namang comment na first time niyang nag-disagree sa look nito. “Pretty face Queen P, but 1st time to disagree with this whole look..color combination and styling not flattering..just too much...”
May nagtatanong pa kung sino ba ang stylist niya.
Very tacky raw ang kanyang hitsura. “That top looks too revealing and not very classy,” hirit naman ng isa pa.
Meron namang nagsabi na nagmuka siyang mataba.
Malala rin ang comment na mukhang chopsuey ang overall look niya.
Anyway, ang ending, si Pia pa rin ang nagwagi dahil napansin siya.
‘Yun nga lang, mas lamang ang namintas kesa pumuri.
- Latest