^

PSN Showbiz

Judy Ann ramdam na ang ang pagtanda, nagkakasakit na kapag napupuyat

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Judy Ann ramdam na ang ang pagtanda, nagkakasakit na kapag napupuyat
Judy Ann
STAR/ File

Mag-aapat na dekada nang aktibo si Judy Ann Santos sa show business. Bilang isang aktres ay talagang pinipiling mabuti ang mga proyektong kanyang ginagawa. “Tatanggap ako ng project kung kaya kong i-deliver. In all honestly, ‘yung mga projects naman na ino-offer sa akin ng ABS-CBN are very beautiful. I don’t want to be unfair to my producers, to my co-actors and to my directors. And to me, that is being professional. ‘Yung tanggapin mo sa sarili mo na hindi ko kayang i-deliver ito. I-let go natin at ibigay natin sa mas tamang aktor. Mas tamang ugali ‘yon kaysa sa tanggap ka lang nang tanggap, para kumubra ka lang nang kumubra,” pagbabahagi ni Judy Ann.

Para sa aktres ay isang malaking sakripisyo rin na iniiwan ang kanyang pamilya sa tahanan upang magtrabaho. “Maaaring medyo mayabang pakinggan para sa iba ‘yung salitang ‘Dapat worth it ‘yung mawala ako sa tabi ng mga mga anak ko.’ Pero ‘yon ‘yung reyalidad ko kasi. Maaaring hindi ‘yon reyalidad ng ibang tao. Pero wala naman akong paki sa reyalidad nila. Ang pakialam ko lang naman eh siyempre ayaw kong may ma-miss akong milestones ng mga anak ko kasi hindi mo naman mauulit ‘yon,” makahulugang paliwanag niya.

Dalawang proyekto ang nakalinya ngayong taon para kay Juday. Isa na rito ay ang pelikulang The Diary of Mrs. Winters na pagbibidahan nila ni Sam Milby. “With these two projects that I’m currently doing and will do this year, I think that’s enough for me not to make any projects again for the next two years when it comes to acting.

“Parang seal the deal ako sa dalawang proyektong tinanggap ko. Alam kong tama ang desisyon ko. Pero siyempre hindi pa rin naman ako nagsasalita nang tapos. May mga darating at darating pa rin naman na mga projects na pwedeng oohan ko. Panigurado after ng project na ito at after nitong series na ginagawa ko, parang hinihingi na ng katawang lupa ko ang magpahinga. Ramdam ko ‘yung tanda ko, hindi ko na kaya ang puyat. Nagkakasakit na ako,” pagtatapos ng aktres.

Cherry Pie, hanga sa creative ni Coco

Simula bukas ay mapapanood na ang FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Isa rin si Cherry Pie Picache sa mga kabilang sa bagong serye ng ABS-CBN.

Aminado ang aktres na talagang malaki ang kanyang paghanga kay Coco bilang isang aktor at direktor. “Grabe! Sabi ko nga he never ceases to amaze me. Sobrang amazing ‘yang bata na ‘yan. Hindi ba normally kapag habang tumatagal ka nagme-mellow down ka. But his grit, his passion, his commitment, his dedication to his craft, helping generously the people in the industry. ‘Yung creative juices niya, grabe! Iba ito,” paglalahad ni Cherry Pie.

Matatandaang huling napanood ang aktres sa Marry Me, Marry You na nagwakas nung Enero noong isang taon. Excited umano si Cherry Pie ngayon sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng serye. “Excited kasi medyo matagal ako napahinga. I’m also excited to be working again with Coco. I’m playing the role of Marites. Ako ‘yung nanay ni Coco at nanay ko si Ma’am Charo Santos. So kami ‘yung family, ‘yung community sa Quiapo. Sana kung paano n’yo po minahal ang FPJ’s Ang Probinsyano, gano’n din po ang pagmamahal, suporta, at pagsubaybay na ibigay n’yo,” nakangiting pahayag ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with