^

PSN Showbiz

Coco, gustong paampon kay MVP

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco, gustong paampon kay MVP
MVP at Coco
STAR/ File

 Mukhang exciting ang bagong serye ni Coco Martin na Batang Quiapo. Kasi nga parang kay Coco na talaga ‘yung oras na kinakain ng Ang Probinsyano noon, kaya ‘pag pinasok niya ang Batang Quiapo doon, parang extension na iyon ng natapos niyang serye.

Cute ‘yung photos niya with Manny V. Pangilinan o MVP kung saan sinasabi na magpapaampon siya.

Talagang hanggang ngayon napaka-humble pa rin ni Coco, talagang alam niya na gaya niya may magic touch din si MVP na kahit anong bagay ang pasukin, success ang kasunod.

Totoong parang may touch of gold sina Coco at MVP, kaya naman perfect match.

Tayo kaya, Salve at Gorgy, paampon din kay MVP para mas bongga at mas maraming mainggit lalo, hah hah, pero sakit tayo ng ulo kaya iiwasan tayo at tatanggihan ni MVP.

Pero in fairness, si MVP ay isa sa pinakamabait na tao na nakita ko kaya naman respected at talagang mahal ng lahat.

Basta may blessing ni MVP, sure na si Coco Martin, successful agad ang project na papasukin niya.

Maganda ang kuwento ng Batang Quiapo ni FPJ na pinagbidahan nila noon ni Maricel Soriano.

Ngayon ay si Lovi Poe ang ka-partner ni Coco na anak ni FPJ.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with