^

PSN Showbiz

Dahil kay Kylie?! Jake, umaming pinulot sa sahig!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dahil kay Kylie?! Jake, umaming pinulot sa sahig!
Kylie Verzosa

Ilang beses mangiyak-ngiyak si Jake Cuenca kahapon sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nilang My Father, Myself.

Aminado ang actor na matindi ang pinagdaanan niya nitong pandemic pero dahil sa pelikulang ito, nalampasan niya.

Ito ang unang pagkakataon na nagsa­lita ang aktor na walang binabanggit kung ano at sino ang pinatutungkulan niya.

“I’m so grateful pero pagdating sa personal ko, medyo nagsarado ako talaga. It’s just me and my family and my colleagues at saka ‘yung Teatro. ‘Yun lang talaga ‘yung tinakbuhan ko.

“Sabi ko, with those things, na-realize ko parang ‘yun ‘yung natural habitat ko din talaga, Teatro. Kasi sabi ko they were really there for me then, si Dolly de Leon. Nitong past six months parang ginusto ko lang maging aktor. That’s it. I just wanted to focus on being an actor, not a celebrity, not a dancer, not a YouTuber, not a singer but just an actor. I was able to do that. For that, I’m thankful,” umpisa niya.

Common knowledge na sa kalagitnaan ng pandemya ay nasangkot siya sa isang road mishap at siyempre ang hiwalayan nila ng girlfriend niyang si Kylie Verzosa.

Pero walang narinig noon sa actor.

Kaya kahapon, talagang ilang beses siyang maluha-luha nang kumustahin siya. “I’m an actor. This is why I get paid, to cry, ‘di ba. But for me at the end of the day sabi ko ‘after everything that I’ve been through, tanggap ko ang buhay life is not perfect.’ Alam ko na po ‘yun, ‘di ba, obviously.

“Ang sa akin, tanggap ko na ang buhay with all its conditions. I take life with the good and the bad. At saka I’m gonna be grateful for the good times and the bad kasi ito ‘yung natutunan ko through this journey na talo ka lang naman talaga if you don’t learn, ‘di ba. Kung hindi ka natuto, that’s really win or lose.

“Kung nagtuturo ka, pointing finger to everyone else. At the end of the day, you have to take accountability, eh. Itong past few months na ‘to, the person that I really talked to kasi napansin n’yo naman hindi po ako nagsasalita, ‘di ba. I never said anything sa nangyari, everything else.

“Lahat ‘yan I kept it inside and this movie allowed me to express it. In-allow ako ng pelikulang ito na maglabas ng emosyon at hindi ako hinusgahan sa set. In-encourage ako ni Direk Joel na ibigay lahat.

“Of course, hindi ko kinukwento ang mga problema ko sa set but everyone obviously know na may pinagdadaanan ako but  everyone was very very supportive with me in the set and at the same time sabi ko, like I said kanina ‘yun ‘yung saving grace ko ‘pag may masamang nangyayari sa buhay ko, sinasabi ko talaga gagamitin ko ‘to. Gagamitin ko ‘to para sa art ko,” ang mahabang pahayag ng aktor.

Bukod sa pelikula, inamin din niyang ang pamilya niya lalo na ang kanyang nanay ang pumulot sa kanya kumbaga sa sahig.

Samantala, R-18 ang pelikulang My Father, Myself, na isa nga sa official entries sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Pero nakikiusap silang sana ay ‘wag namang husgahan ang pelikula dahil ang kuwento ay realidad ng buhay.

At kasama sa tumatak sa pelikulang ito ay ang ‘love scene’ nina Jake Cuenca and Sean de Guzman.

May ilang nagwo-worry kung puwede ba itong pang-MMFF? Paano ang ibang sinehan, tulad ng SM na hindi nagpapalabas ng R-18.

Aside from Jake and Sean, starring din si Dimples Romana at  ipinakikilala si Tiffany Grey.

Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa Kapamilya hit series na Viral Scandal. Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.

Si Sean na tinawag na Vivamax King, at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula. Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Fall Guy at marami pang iba.

Anyway, ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng My Father, Myself sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng netizens sa Twitter.

Ang iba ay kini-criticize agad ang trailer ng pelikula kahit hindi pa nila napapanood ang kabuuan nito.

Pinagsimulan din ito ng mga discussion sa social media at sa mundo ng LGBTQ+ dahil sa mapangahas at matapang na tema ng pelikula.

“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” pahayag ni Direk Joel.

Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”

Anong masasabi ni Direk Joel na may ibang mabilis humusga sa kanilang pelikula?

“Habang ako ay may lakas pa, habang  ako ay may mata pipiliin ko ang mga istorya na hindi pa napapanood sa mga sinehan ng tao.

“Maraming istorya ang hindi pa napapakita ng mga manonood.

“Dapat makita rin ang mga kuwento ang mga baklang halimbawa, isang hacker...bakit hindi natin ipakita ang istorya nila. Bakit natin kalilimutan na ang buhay ay hindi romaticism.

“Ipakita natin ‘yan para kapupulutan ng aral,” sagot ni Direk Joel kahapon.

Present ang batikang director nang i-review ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pero tinanggap niya ang naging desisyon na taas noo.

Ang My Father, Myself ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose.

The film is produced by Len Carrillo, Erwin Ortanez, Jumerlito Corpuz,  Nicanor Abad and Bryan Dy.

 

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with