^

PSN Showbiz

Ciara, naloka nang pagdudahan sila ni James Yap!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ciara, naloka nang pagdudahan sila ni James Yap!
Ciara Sotto

Naku, Ateng Salve, naloka si Ciara Sotto sa presscon kahapon ng M.O.Ms (Mhies on a Mission) ng AllTV dahil talagang pagda­ting pa lang niya, tinanong ko na siya tungkol sa isang basketball player na nali-link sa kanya ngayon.

Naloka si Ciara nang banggitin namin si James Yap.

Sabi niya, walang katotohanan ‘yon at nakasama lang niya si James sa birthday ni Annabelle Rama kung saan ay nagkasama sila sa isang table.

Nagkachikahan lang daw sila at hindi niya akalain na may mga nagduda na na may “something special” sa kanila ng basketbolista. “Naku, Kuya Jun, after that, wala na. Ni hindi ko na siya nakita’t nakausap. Mali talaga. Please, nakakahiya. ‘Di ba, may asawa si James?,” sey ni Ciara.

Naku, Ateng Salve, sa pagkaka-deny nga ni Ciara, parang gusto ko naman siyang paniwalaan, huh! Never naman kasing naging sinunga­ling si Ciara.

Saka baka nga pinagkamalan lang ng ilang mga “Marites” sa party na ‘yon na may kakaiba sa chikahan nila ni James, kaya bigla silang pinagdudahan, ‘noh?!

So, kung nagde-deny si Ciara, aba, dapat lang na tigilan na ang pagli-link sa kanya kay James, huh!

Anyway, sinasabi rin ni Ciara na wala talaga siyang love life sa ngayon at tutok siya sa pag-aalaga sa iisang anak niya.

Oo nga pala, Ateng Salve, tawa lang nang tawa si Ciara nang biruin ko na may something in common silang dalawa ng isa sa hosts ng M.O.Ms (Mhies on a Mission) na si Ruffa Gutierrez.

Pero hindi ‘yung pagiging magkapitbahay nila noon sa Quezon City ang tinutukoy namin at hindi rin ‘yung pagiging magkapitbahay nila sa South of Metro Manila. Siyempre, alam naman ng lahat na pareho nilang nakarelasyon si John Lloyd Cruz, pero sabi naman nila, never nilang napag-usapan ang tungkol doon.

Actually, kahapon lang nang mabanggit ko sa kanila si Lloydie saka tinanong ni Ruffa si Ciara kung kailan nito nakarelasyon ang aktor.

Anyway, sobrang saya sina Ruffa at Ciara at kasama nila si Mariel Rodriguez-Padilla sa M.O.Ms (Mhies on a Mission).

Kung si Ciara ay matagal nang kakilala ni Ruffa, si Mariel ay matagal na rin niyang kachikahan dahil sa kapatid niyang si Richard Gutierrez. Kaklase ni Richard Gutierrez noong high school si Mariel.

Sobrang close si Mariel kay Richard, kaya kilala na siya ni Ruffa noon pa man.

Alam mo, Ateng Salve, noong 2002 ay kilala ko na si Mariel dahil kay Richard. Um-attend noon si Mariel sa birthday party nina Richard at Raymond sa isang restaurant/bar sa may Greenbelt at noon pa ay madaldal na ang misis ni Senator Robin Padilla, huh!

Bongga!

Kuwento..., ipalalabas sa sinehan

Ang screening kahapon ng pelikulang Ang Kwento ni Makoy. Ipalalabas sa mga sinehan on Dec. 7 ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Buboy Villar at Bella Thompson.

‘Katuwa lang, Ateng Salve na ang dami nang pelikulang Pinoy na ipinalalabas ngayon sa mga sinehan.

Sana nga, sumigla na uli ang local movie industry, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

CIARA SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with