^

PSN Showbiz

Kim at Ryan aarangkada sa Idol Survival Search

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim at Ryan aarangkada sa Idol Survival Search
Kim at Ryan
STAR/ File

Nagsanib pwersa ang ilan sa mga hinahangaang pangalan sa showbiz industry ng Pilipinas at Korea para sa kauna-unahang idol survival search sa bansa na Dream Maker, isang collaboration project ng ABS-CBN’s Starhunt, Korea’s MLD Entertainment, at Kamp Korea Inc. na magsisimula na sa Nobyembre 19 (Sabado) at 20 (Linggo).

Magsisilbing gabay naman sa 62 dream chasers ang Pinoy mentors na sina Queen of Teleserye Themesongs Angeline Quinto, Now United member na si Bailey May at international performer na si Darren Espanto.

Sasamahan sila ng bigating Korean mentors na sina Seo Won-jin, Bullseye, Momolang at Lapillus choreographer na si Bae Wan-hee, dating MBLAQ member na si Thunder; Brown Eyed Girls vocalist na si JeA, at choreographer at Produce 101 dance mentor Bae Yoon-Jung.

Inanunsyo noong nakaraang linggo na magsisilbing hosts sa naturang collaboration ang former PBB big winner at Multimedia Idol Kim Chiu at Noontime Oppa na si Ryan Bang.

Dream come true para sa hosts na sina Kim at Ryan na mapili silang makasama sa collaboration project ng ABS-CBN, MLD Entertainment, at Kamp Korea.

“Sobra akong nagpapasalamat sa tiwala at opportunity na ibinigay sa akin ng ABS-CBN for me to grow and learn at the same time. Ito na rin yung chance to show my supporters and lahat na kaya kong magtayo ng show na ito,” saad ni Kim.

Para naman kay Ryan, “Gusto ko lang makatulong sa show. Natutuwa ako. Talagang itong Dream Maker, tama yung pangalan nung show kasi matutupad yung mga pangarap ng Pilipino na gusto nila maging global icon. Hindi ito biro.”

Tunghayan ang kwento at pagsisikap ng 62 dream chasers na dadaan sa iba’t ibang trainings at performances para makamit ang pangarap na maging parte ng susunod na global pop group.

Samantala, alamin kung ano ang magiging parte ng manonood sa journey ng dream chasers.

Mag-uumpisa na ito sa Nobyembre 19 (Sabado) at 20 (Linggo), 9:30PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z pati na sa iWantTFC at TFC IPTV.

Mister ng sikat na personalidad, tumitikim pa rin ng iba!

Grabe, talagang lumalabas pa raw ang kakatihan ng isang showbiz personality na kasal na isang sikat ding personalidad.

Ang chika, tumitikim daw sa iba si mister habang ang misis ay nagiging abala sa kanyang career sa social media.

Ang buong akala raw ng lahat ay nagbago na ang aktor, pero ‘di pa pala,’di pa rin daw nito mapigilan ang sarili.

Ang ‘di lang alam ng source ay kung may idea ang kanyang misis sa ginagawa ng mister at hinahayaan na lang ito.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with