^

PSN Showbiz

Lani, napilitang mag-make up

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Lani, napilitang mag-make up
Lani Misalucha

Si Lani Misalucha sa VIP night ng Together Again, ang two-night 17th anniversary concert ng GMA Pinoy TV kahapon ng umaga (Friday night sa California) na ginanap sa Pechanga Resort Casino sa Temecula.

Hindi nakasama si Lani sa grupo nina Dingdong Dantes, AiAi delas Alas, Bea Alonzo, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Direk Mark Reyes at ibang GMA 7 executive nang dumalaw sila sa FACLA (Filipino American Community in Los Angeles) noong Thursday (Friday ng umaga sa atin).

Sa Pechanga Resort Casino na dumiretso ang tinaguriang Asia’s Nightingale kasama ang mister niyang si Noli Misalucha.

Sa palitan namin ng text messages ni Papa Noli, ikinuwento niyang eight tables lang ng VIP guests ang nasa event na ‘yon.

Dahil may mga kailangang magpa-picture, napilitan daw si Lani na maglagay ng makeup, nag-foundation kahit bawal pa raw sana.

Nagka-shingles si Lani, kaya may red marks pa siya sa mukha. “Hindi pa dapat mag-make up dahil meron pang cream medication, but wala eh... walang magagawa, kailangang matakpan ang red marks niya sa face, kaya nag-foundation,” chika ni Papa Noli.

Ipinadala rin sa amin ni Papa Noli ang picture ni Lani na walang makeup at kita sa mukha ng Asia’s Nightingale ang red marks. “Ayan, meron pang mga red spots, patuloy pa lang... nag-foundation lang talaga siya kanina sa VIP night,” sey pa ng mister ni Lani.

At least, hindi ginawang dahilan ni Lani ang kanyang kalagayan para hindi sumipot sa VIP night ng Together Again.

As you read this, kasalukuyang nagaganap ang first show nila at sold out ‘yon. Ang second night show ng anniversary event ng GMA Pinoy TV ay almost sold out na raw.

Bongga!

Anyway, dahil sa pictures na ipinadala sa akin ni Ms. Anna Puno ng Starmedia Entertainment, Inc. na namamahala sa Together Again, akala ko ay si Princess Punzalan ‘yung isa sa VIP guests.

Buti na lang ang bilis sumagot ni Anna. “Hindi si Princess ‘yon. Si Venus Raj (former beauty queen). Endorser kasi siya ng MX3 (sponsor ng nasabing event),” sey ni Anna.

Pareho kasing morena beauty sina Princess at Venus, kaya sabi ng kaibigan ko, hindi nakakapagtaka na inakala ko na ang una ang huli. Hehehe.

Pero in fairness naman kasi, si Princess, mukha pa ring bata compared sa edad niyang 53.

Parang hindi nga tumatanda ang ex-wife ni Willie Revillame.

‘Yun na!

vuukle comment

LANI MISALUCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with