^

PSN Showbiz

Joross at Roxanne, may baby no. 3 na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joross at Roxanne, may baby no. 3 na!
Joross at Roxanne.

Wow, umabot na sa three times the fun at kilig ang handog nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng iWantTFC original series na Hoy, Love You.

Samantalang kung tutuusin, pareho na silang may pamilya, pero marami pa ring kinikilig.

Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) ngayong Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC.

Tatakbo ang kuwento : sabik na sina Jules (Joross) at Marge (Roxanne) na madagdagan ang kanilang pamilya ngunit masusubukan ang kanilang relasyon nang malaman nilang maselan ang pagbubuntis ni Marge.

Kahit na nahihirapang pagsabayin ang trabaho at pamilya, gagawin naman ni Jules ang lahat para alagaan ang kanyang misis.

Madadagdagan ang problema ng mag-asawa dahil kay Richard (Dominic Ochoa), ang ex ni Marge na magiging kakumpe­tisyon din ni Jules sa bago niyang negosyo. Bukod sa pangingialam ni Richard, makikisawsaw din sina Elizabeth (Carmi Martin) at Malu (Keanna Reeves), ang mga nanay nina Marge at Jules, dahil pagtatalunan nila ang mga pamahiin sa pagbubuntis ni Marge.

Samantala, pwede nang gawing official nina Charles (Aljon Mendoza) at Kara (Karina Bautista) ang kanilang relasyon pero hahadlang sa kanilang pag-iibigan si Kulas (Race Matias), ang kababata ni Kara na pagseselosan ni Charles. Hindi lang si Charles ang magkaka-love life dahil magdadalaga na si JR (Brenna Garcia) at mahuhulog ang loob nito kay Kulas.

Maglelevel-up din ang kwelang samahan nina Drew (TJ Valderrama), Bart (Yamyam Gucong), at Tommy (Pepe Herrera) dahil mai-inlove si Tommy sa isang maganda at misteryosong dayo na si Agnes (Kate ­Alejandrino), na pinaghihinalahaan ng iba na isa siyang aswang.

Paano malalagpasan nina Jules at Marge ang mga pagsubok para sa una nilang baby?

Nagbabalik para magdala ng good vibes sa season 3 ang istriktong lolo ni Kara na si Lou Veloso, at ang bagong cast member na si Donna ­Cariaga.

Ang Hoy, Love You ay sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

vuukle comment

JOROSS GAMBOA

ROXANNE GUINOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with