^

PSN Showbiz

Takot na ibyahe sa Taguig ang komedyante...misis ni Vhong, parang inatake na walang laban ang nararamdaman!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Takot na ibyahe sa Taguig ang komedyante...misis ni Vhong, parang inatake na walang laban ang nararamdaman!
Tanya Bautista-Navarro.

Humarap sa entertainment media kahapon ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista-Navarro upang magbigay ng saloobin sa kalagayan ng kanyang asawa na kinakaharap ngayon ang back-to-back warrant of arrest para sa kasong act of lasciviousness at rape of lasciviousness at rape na inihain ni Deniece Cornejo.

Kasalukuyang nakapiit sa NBI si Vhong.

“Bago ako umalis (kanina) parang bigla na siyang nag-start maging emotional kasi siguro ang hirap i-process ng bagay-bagay. Wala kang kausap masyado kasi hindi naman niya kilala ‘yung mga nandu’n. Mabilis lang, as much as we can, ‘yung catch-up kasi inaano ko ‘yung balita sa kanya nila Atty. Mallonga, at the same time kagabi ko lang talaga nagkaroon ng chance makausap ‘yung dalawang boys niya after what happened. It was parang the longest two days of our lives, ‘di ba ‘yung back-to-back warrant and then pag-uwi namin hindi ko naman sila agad nakausap. Nung finally nakausap ko, ni-relay ko sa kanya napag-usapan namin, and the boys were also, syempre broken. Kasi si Vhong, as much as possible, ishi-shield sila do’n eh. Social media so alam ko alam naman nila but it has to come from me para maintindihan nila kung anong nangyayari,”  umpisa niya.

Matindi rin daw ang pinagdaraanang emosyon ng pamilya : “Grabe, sobra. Ako, every time people ask me, I would describe it as rollercoaster kasi good news then after a day, two days, meron kang bad news. Ita-try mong maging positive about it, sobrang rollercoaster pero kasi nandu’n na kami sa point na ‘pucha naman, ano na ‘to? Patapos na ‘to.’ Hindi ko alam pano nila patutunayan ‘tong sinasabi nila. And then suddenly na-reverse. So alam mo ‘yon, parang nakikita mo na ‘yung katapusan pero binalik ka dun sa same feeling before nung nagdemanda na kami. Ganon uli, rollercoaster pero lalaban ka, lalaban ka.

“This time, parang ‘yung bagsak sayo ng mga balita ‘yung parang hindi ka makapaniwala, parang ina-attack na wala kang weapon, wala kang gear to protect youself. Parang ganon. Ganon ‘yung pakiramdam.”

Inilalaban nila ngayon ang petition for bail sa kasong rape. “Lahat ng ebidensya binigay namin. Vhong was, ever since, very consistent sa kwento niya. Since day 1, since pumunta siya sa ‘kin bugbog-sarado siya, kinonfess niya lahat. Since that day, hanggang ngayon sobrang consistent siya sa mga sinasabi niyang kwento, supported ‘yon ng mga document or sa kung anumang ebidensya na binigay namin. So hindi ko alam kung anong nakikita nilang probable cause.”

Anong reaction n’yo na ipinapalipat siya na sa Taguig? “Of course, that’s very scary kasi threat ‘yon sa buhay niya. Basta very scary for Vhong. Pero I think ‘yung awyers also filed the motion para ‘wag uma­bot do’n. Pero ako, right now, ang worry ko ‘yung security for Vhong. ‘Yun na lang. Nandito na kami eh so lalaban na lang kami. May case na eh so lalaban kami at alam ko mapapanalo namin ‘to. May God, mapapanalo namin ‘to but for the meantime, at least ‘yung security niya. Natatakot ako for him ‘pag nalipat siya sa Taguig.”

 Do you have any idea sino nagsusulsol or naniniwala ba siya na may backer? “I do. We have. Pero hindi ko naman masasabi ‘yon but right now siguro mas marami pang mashe-share ‘yung legal team namin or si Atty. Mallonga to be specific pero siguro right now ‘yun talaga ‘yung gusto kong description ng nararamdaman namin. We suddenly feel attacked. Na parang wala kaming kalaban-laban kasi nga sa’n galing.”

 May message ka ba sa kabilang partido? “Ang gusto ko lang sabihin, na alam naman nila kung ano yung totoo. Sa ‘kin may kasalanan si Vhong, sa ‘kin. Inamin niya yon mula noon. Sa ‘kin siya may atraso, pinatawag ko ‘yung tao. And for the last eight years bumabawi siya. We got married. And then this happened.”

Sen. Bong, mamimigay ng brand new car sa kanyang birthday

Wow, mamimigay ng brand new car si Sen. Ramon ‘Bong’ ­Revilla Jr., sa kanyang birthday. Kaya naman, sabik na ang mga tagasubaybay niya sa nalalapit niyang Alyas Pogi Birthday Giveaway na gaganapin sa gabi, Linggo, 6:00 p.m. Setyembre 25, 2022.

Ito ay sa pamamagitan ng isang live program sa kanyang Facebook account www.facebook.com/bongrevillajr.ph.

Makakasama niya rito ang asawang si Lani Mercado-Revilla at ilan pang miyembro ng kanilang pamilya na tiyak na magdaragdag-saya sa programa.

Bilang pasasalamat na rin daw ito ng aktor / senador sa malakas niyang pangangatawan at walang tigil na biyaya – hindi lang sa kalusugan kundi sa kanyang buong pamilya.

Dumaan sa tatlong operasyon si Sen. Bong kamakailan.

Bukod sa isang brand new car na highlight ng programa, mayroon ding 10 motorsiklo, laptop, cash prizes na P100,000, P50,000, P20,000 at P10,000 sa mga mapipili at hindi bibitiw sa panonood.

Limandaang (500) katao naman daw ang mananalo ng tig-iisang libong piso.

Well, taun-taong ginagawa ni Sen. Bong ang mamahagi ng cash at gadgets. As in tradisyon na ng pamilya Revilla na mamahagi tuwing sasapit ang kaarawan ni Alyas Pogi.  “Walang ibang gagawin kundi tumutok sa programa, sumali sa mga palarong madadali lang at may tsansa na kayong manalo ng bagong kotse, mga motorsiklo at marami pang iba,” paliwanag ni Sen. Bong.

Sanay na sanay na si Sen. Bong na mag-live sa social media sa mga pinupuntahan niyang event kaya’t ang dami niyang loyal followers.

vuukle comment

TANYA BAUTISTA-NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with