^

PSN Showbiz

Anak nina Tonton at Glydel, nakakuha ng scholarship sa Singapore

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak nina Tonton at Glydel, nakakuha ng scholarship sa Singapore
Tonton at Lolit.

Talagang ang tigas ng ulo ng mga alaga ko ha.

Ang dumaan naman sa dialysis session ko kahapon ay si Tonton Gutierrez.

Kaloka at dalawang oras siyang nag-stay at kung saan-saan tumakbo ang aming kwentuhan.

At nakapagpa-picture pa ang nag-aalaga sa aking nurse at mga kasama ng dialysismate ko.

Kaloka, as in, ang daming naki-selfie sa kanya kesehodang bawal sana doon ang maiingay.

Hahaha.

Pero ang talagang napansin, non-stop ang tawag sa kanya ng anak niyang bunso dahil panay ang check sa father niya.

Nasa Singapore ito dahil sa scholarship sa school ang panganay niyang anak kaya proud parents talaga ang mag-asawang Tonton at Glydel Mercado.

Ang ganda talaga ng relationship ng mag-asawa kaya naman lumaking secured at confident ang dalawang anak.

Natutuwa ako dahil gusto ko talagang maging forever ang pagsasama nila.

Sa kanila ko nakita ang tatag ng pagmamahal dahil kahit anong naging problema, nalagpasan nila.

Happy family, together.

Teka nga pala, gusto kong batiin ang super loyal sa Pilipino Star NGAYON na si Papa Ver na kasabay ko ring nagda-dialysis.

Talagang nakikitang kong nagbabasa siya ng dyaryo natin, Salve, habang nagpapa-dialysis siya.

Kahit ang misis niya super chika na super loyal siya sa PSN.

Mga get-together, kinasasabikan pa rin

Ang saya ng get-together natin, Salve. Talagang mapupuri mo si Jun Lalin sa kanyang effort na pagsamahin ang friends sa showbiz sa isang lunch sa Mesa Resto na pag-aari ni mommy Flora Santos.

Talagang food galore ang nangyari dahil panay ang order ni Jun ng pagkain para sa amin nina Salve at Gorgy. Ang sarap lalo pa nga bihira tayo nagkikita-kita dahil nga sa pandemic.

It was really a lunch na enjoy na enjoy tayo dahil alam mo naman ang gift ni Jun Lalin sa storytelling, wala talagang hinto at tawanan to the max. Ang sarap nga dahil pati sina Ian, Dondon, Tessa at Gie nagtagal, saka si Ogie.

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with