^

PSN Showbiz

Coco, may nerbiyos kay Jodi!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco, may nerbiyos kay Jodi!
Jodi
STAR/ File

Malapit nang simulan ang shooting para sa pelikulang Labyu With An Accent na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Coco Martin. Bukod sa pagiging aktor ay si Coco rin ang magsisilbing direktor ng naturang proyekto. Isa ito sa mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2022. Ayon kay Coco ay hindi raw siya nahirapang kumbinsihin si Jodi para tanggapin ang pelikula.

Aminado ang aktor na nakararamdam umano ng nerbiyos bilang direktor sa bagong gagawing pelikula.

Umaasa rin si Coco na magkakasundo sila ni Jodi sa lahat ng mga eksenang gagawin. “Honestly, ako as an actor ninerbiyos ako kasi sobrang galing talaga ni Jodi. Isa siya sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas. Pero as a director, doon ako nacha-challenge kasi alam kong matalino siya, alam kong magaling siya eh.

“Sobra ang tiwala ko kay Jodi. Kaya ako, honestly, kinakabahan bilang artista. Pero as a director, feeling ko maning-mani sa kanya ‘to,” paliwanag niya.

Barbie, nagpaliwanag sa koneksyon kay Karla

Naugnay si Barbie Imperial kay Daniel Padilla dahil sa pagpunta ng aktres sa bahay ng binata ilang buwan na ang nakalilipas. Ayon sa dalaga ay kaibigan niya ang ina ni Daniel na si Karla Estrada kaya siya bumisita rito.

Hindi rin daw nagkita sina Barbie at Daniel noong nagpunta ang aktres sa bahay nito. “Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang si tita Karla, family niya, si Magui. Nandoon din ‘yung Beks Batallion. So for me, talaga ba? Kung may gagawin akong masama nandoon ‘yung Beks Battalion? Nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman,” giit ng aktres.

Nahihiya umano si Barbie kay Daniel at kasintahan nitong si Kathryn Bernardo dahil sa pagkakaugnay ng aktres sa binata. “Nanahimik talaga ako eh. Kasi no’ng time na ‘yon, ‘yon ‘yung nangyari ‘yung tsismis na ‘yon. Siyempre nahihiya ako unang-una kay Kath. Kasi anong iisipin niya, ganito, ganyan. Nirerespeto ko kung anong meron si Kath and DJ,” pagtatapos ng dalaga.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KARLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with