^

PSN Showbiz

#JTVAWARDS, mamimigay ng 3 Dolphy Awards at Susan Roces Lifetime Achiever

Pilipino Star Ngayon
#JTVAWARDS, mamimigay ng 3 Dolphy Awards at Susan Roces Lifetime Achiever
Dolphy.

MANILA, Philippines — Nakapagtala na ng 10 million followers at higit 5 billion minutes ng views sa Facebook ang paboritong throwback channel ng mga manonood na Jeepney TV na nagtatampok ng mga minahal na Kapamilya show sa ere at online.

Ito ang dahilan kung kaya’t 10 masuwerteng netizen ang pwedeng manalo ng Sodexo gift pass na may halagang P5,000 bawat isa sa pamamagitan ng Jeepney TV 10M Facebook Followers Giveaway promo kung saan kailangan lang sagutin ang isang poll sa JoinNow.

Samantala, pwede na ring iboto ng fans ang kanilang pinakapaboritong gag at comedy show at mga comedian sa Jeepney TV Fan Favorite Awards.

Isa sa Ang TV, Banana Split/ Banana Sundae, Quizon Avenue, Going Bananas, Goin’ Bulilit, at Super Laff In ang tatanghaling Fave Gag Show na talaga namang naghatid ng todo-todong katatawanan sa mga manonood.

Maglalaban-laban naman ang classic sitcoms na Abangan Ang Susunod Na Kabanata, Home Along Da Riles, Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis, Oki Doki Dok, Palibhasa Lalake, at Toda Max para sa kategoryang Fave Comedy Show.

May 3 Dolphy Awards ding igagawad para sa kauna-unahang Jeepney TV Fan Favorite Awards na hango sa pangalan ng nag-iisang Comedy King na si Dolphy. Kabilang sa nominado para sa Dolphy Award: Fave Male Comedian sina Babalu para sa Home Along Da Riles, Bayani Agbayani para sa Ok Fine Whatever, Joey Marquez para sa Palibhasa Lalake, Redford White para sa Pwedeng Pwede, Roderick Paulate para sa Abangan ang Susunod na Kabanata, at Vhong Navarro para sa Toda Max at Super Laff In.

May kwelang labanan din sa pagitan nina Angelica Panganiban para sa Banana Split/ Banana Sundae, Jolina Magdangal para sa Labs Ko Si Babe at Arriba! Arriba!, Maricel Soriano para sa Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis at John en Shirley, at Melai Cantiveros at Pokwang para sa Banana Sundae para naman sa kategoryang Dolphy Award: Fave Female Comedian.

Kabilang naman sa mga nominado para sa Dolphy Award: Fave Child Comedian sina Boy II Quizon at Vandolph para sa Home Along Da Riles at Nash Aguas at Sharlene San Pedro para sa Goin’ Bulilit.

Kikilalanin din ng #JTVAwards ang unang tatanggap ng Susan Roces Award: Fave Lifetime Achiever, ang kategoryang hango sa pangalan ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces. Kasama sa mga nominado rito ang mga batikang aktor at aktres na sina Charo Santos, Coney Reyes, Dante Rivero, Gina Pareño, Gloria Diaz, Jaime Fabregas, Nova Villa, Perla Bautista, Pilar Pilapil, Ronaldo Valdez, at Tirso Cruz III.

Pwede nang iboto ang inyong paborito sa JoinNow, Jeepney TV Fans Facebook Group, at TikTok hanggang Setyembre 9 (Biyernes).

Hanggang Oktubre 8 (Sabado) naman maaaring bumoto sa TikTok para sa mga nauna nang kategorya na Fave Kapamilya Serye Iconic Lines, Fave Kontrabida, at All-Time Favorite Loveteam. Magaganap na ang virtual awar­ding ceremony sa darating na Oktubre 22 (Sabado).

vuukle comment

DOLPHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with