^

PSN Showbiz

Sikat na showbiz personality na maraming napapaligaya, lihim ang pagluluksa

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Bilib kami sa pagiging matatag ng famous showbiz personality na ito.

Alam mo, Ateng Salve, maraming napatatawa at napaliligaya ni showbiz personality, pero akma nga sa kanya ang dalawang mukha ng showbiz – isang tumatawa at isang umiiyak – dahil kahit akala natin ay masayang-masaya siya, ang totoo ay nagluluksa siya.

May nakapagkuwento nga sa amin ng pagkawala ng isang taong importante sa buhay ni showbiz personality, pero tahimik lang siya tungkol doon.

Bilib nga kami sa kanya, dahil bagay sa kanya ang kasabihang, “the show must go on.”

Nagluluksa man, patuloy ang pagtatrabaho ni showbiz personality. May mga nakakaalam na may “pinagdaraanan” siya ngayon, pero tahimik sila.

Gusto nilang hayaan na si showbiz personality na mismo ang magkuwento ng tungkol sa bagay na ‘yon.

Actually, Ateng Salve, noon ko pa nalaman ang tungkol sa malaking dagok na dumating sa buhay ni showbiz personality, pero mas ma­buting siya na lang mismo ang magkuwento ng tungkol sa bagay na ‘yon – kapag handa na siya.

Premiere night ng Malacañang… magiging star-studded

Naku, Ateng Salve, sayang at wala pa ako sa premiere night ng Maid in Malacañang na gaganapin sa The Block ng SM North EDSA on Friday dahil excited ako kung sinu-sinong mga celebrity ang a-attend doon.

Aba, bukod sa cast na pinangungunahan nina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Beverly Salviejo, Kiko Estrada at iba pa ay marami raw mga invited na celebrity.

Actually, may mga sosyalerang a-attend din daw at nag-request nga ng tickets para sa red carpet premiere ng pelikula ni Direk Darryl Yap.

Ang tanong nga ng mga kalahi ni “Marites,” darating daw kaya ang buong pamilya ng mga Marcos?

For sure si Senator Imee Marcos ay darating doon, pero si Madame Imelda Marcos kaya, pupunta rin? What about ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya?

Well, abang-abang lang! Basta for sure, exci­ting ang event na ‘yon ng Maid in Malacañang.

Siyempre, Ateng Salve, pupunta rin ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama. Teka! Filipiniana raw ang attire, makipagtalbugan kaya si Bisaya kay Ruffa at mag-ala Madame Imelda rin siya?

Puwede... ‘Yun na!

vuukle comment

MALACAñANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with