^

PSN Showbiz

Ate Vi, noon pa nagkaroon ng binebentang manika

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kung may mga artista ngayon o singers na nakakaisip pa ng merchandising o souvenir items para sa kanilang fans, luma na ang idea nila. Nangyari na iyan kay Vilma Santos noon pang early ‘70s, and take note, may mga gumagawa, humihingi lang ng permiso sa kanya, at siyempre may royalties dahil ginagamit ang kanyang pangalan.

Bago pa lamang pumuputok ang pangalan ni Ate Vi bilang teenage star noong araw, ang dami nang lumabas na school bags, notebooks na may picture at pangalan niya. Mayroon ding face towels na may nakalagay na “Vilma.” Iyong iba binibili at ginagamit, ang mas marami naman itinatago lang at ginagawang souvenirs.

Biglang may lumabas din noong Vilma Santos dolls. Plastic ang material, parang Barbie Doll na nabibihisan at may nabibiling mga damit. Napapalitan ng buhok.

Hindi naman talaga kamukha ni Ate Vi, pero may hawig naman ang manyika. Tapos lumabas ang mas sikat na Vilma Darna dolls matapos ang sunud-sunod na Darna movies na ginawa niya noon.

Nang matagalan, nagkaroon pa ng Movie Queen Vilma Santos Magazine, na ginawa noong araw ng Gold Star ni Rudy Ner Siong­co. Bukod diyan, libu-libong pictures ni Ate Vi ang nabebenta sa mga bangketa araw-araw. Ang bagsakan niyan ay doon sa tapat ng Ma Mon Luk sa Quiapo. Nasa pagitan kasi iyon ng Globe at Life Theaters kung saan inilalabas ang mga pelikulang Tagalog.

Kaya iyong mga nagmamalaki ngayon na gumagawa ng ganyang items, siguro para mapansin sila lalo na at wala na halos popularidad, luma na iyan. Nagawa nang lahat ang ganyan noong ‘70s pa ng supporters ni Ate Vi.

In fairness, may mga ganyan din naman noon si Nora Aunor.

Kobe at Erika, nasa tamang edad na

Hindi na siguro masasabing tsismis iyon. Mukhang magsyota na nga ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak at ang sikat na ring cager na anak ni Benjie Paras na si Kobe. Hindi lang sila magkasama sa picture, very intimate ang picture nilang inilabas sa social media.

Si Kobe ang naglabas noon sa kanyang account, pero kung titingnan mo ang picture at ang ayos ng kamay ni Erika na extended, ibig sabihin siya ang may hawak ng cellphone na ginamit nila para makapag-selfie together.

Kahit na sino ang makakita noon, ang sasabihin magsyota na sila. Hindi naman kukuha ng ganoong selfie ang magkakilala o magkaibigan lang. Pero pareho naman silang single at pareho na rin naman nasa tamang edad. Wala rin naman naririnig na objections mula sa kanilang mga magulang.

Male star, sumuko na sa pag-aartista

Talagang nagpilit ang isang male newcomer na magtrabaho sa madalas niyang puntahang wate­ring hole. Kung magkakatanungan nga naman, kasi nagtatrabaho siya roon at hindi tulad ng dati na istambay lang siya at halata mong naghihintay ng puwedeng ‘sideline.’

Pero ganoon pa rin naman ang sideline niya, pagkatapos ng kanyang trabaho, o kaya habang naka-break siya, sumasama siya sa labas sa “friends” niya. Mukhang give up na rin siya sa panga­rap niyang makapasok kahit sa indie lang.

Naipasok nga siya sa indie, na-edit naman ang karamihan sa mga eksena niya. Eh kasi naman hindi marunong umarte, kaya ang naiwan iyon lang mga eksenang nakahubad siya.

Kaya siguro sasabak na talaga siya sa pag-raket.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with