Dimples nanganak na, babalik agad sa trabaho

Dimples Romana.

Nanganak na pala si Dimples Romana base sa post niya kahapon.

“I spy with my little eye

“Hi, Elio SURPRISE

“I guess it’s going to be a good goood weekend.”

Dami naman agad nag-congratulate kay Dimples dahil kahit nga naman bagong anak ito, super fresh ang hitsura.

Nauna nang sinabi ni Dimples sa interview para sa kanyang endorsement sa Generika na wala siyang magi­ging pahinga pagkapanganak.

Ito ay kahit pa raw gustuhin niyang mamahinga.

Marami na aniya siyang nakapilang gawin.

Banggit niya sa interview : “Kahit gusto kong sabihin na magpapahinga ako ay magsisinungaling po ako sa inyo kapag sinabi ko ‘yan. Kasi marami tayong responsibilidad sa buhay. Lalong-lalo na si Ate Callie is in Australia studying aviation. So magpipiloto po ang panganay ko,” aniya sa interview ng mga invited press sa press launching ng bago niyang endorsement.

Kris, naalala sa death anniversary ni PNoy

Kahapon ang first death anniversary ni former president Noynoy Aquino.

Bukod sa inalala ang kanyang mga nagawa nang maging presidente ng Pilipinas, pumasok din sa isip ng lahat si Kris Aquino.

May sakit na si Kris nang pumanaw si former president pero ngayon nga ay wala halos update si Kris sa kanyang social media dahil sumasai­lalim daw ito sa matinding treatment dahil sa kanyang sakit na EGPA.

Pero totoo bang may kasama siyang stylist sa Amerika?

Show comments