John Lloyd, luminis na ang hitsura!

John Lloyd at Carmi
STAR/ File

Buti naman at nagpa-clean cut na si John Lloyd Cruz.

Tanggal na ang balbas niya at hindi na mukhang haggard sa buhok.

Ibang-iba na ang hitsura ng actor lately. Wala nang bakas ng pagiging matinee idol noon.

Sa katunayan, hindi na siya halos nakikilala ng fans lalo na nga at naka-face mask pa siya.

Eh ang payat pa ng actor kaya inisnab-isnab siya ng ibang fans nang makasabay sa isang Art Museum sa Antipolo.

Kuwento nga ng isang source na kung hindi pa raw nilapitan ang actor ng isang babaeng fan para magpa-picture, ‘di ito makikilala ng mga ibang andun sa Art Museum.

Samantala, wala pa ring latest update kung anong susunod na project ng actor sa GMA.

Si Carmi Martin ang nag-post ng clean cut version ng actor na napapanood ngayon sa Happy ToGetHer sa GMA.

DENNIS, grabe ANG HUGOT NANG KALIMUTAN NG MGA ANAK ANG FATHER’S DAY

Maraming napa-ouch sa Father’s Day hugot at animo’y ‘panunumbat’ ng komedyanteng si Dennis Padilla.

Hindi man lang pala kasi siya naalala ng mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia and Leon.

Last Sunday pa ang Father’s Day pero pinag-uusapan pa rin ang mga hugot ni Dennis sa mga anak.

“Miss you both. You forgot to greet me last Sunday. Love you. God bless you more,” caption niya sa photo nina Julia and Claudia na mabilis din niyang binura.

Photo naman nila ng anak na si Leon ang isa pa niyang post na ang caption ay : “Leon, you forgot to greet me last Sunday. Love you, ingat.”

Walang paramdam sa naburang post ang mga anak ni Dennis o maging sa ibang post ng komedyante na pinalitan niya na ng ibang post ng Happy Father’s Day ng ibang ‘anak.’

Kanya-kanyang tribute nga naman ang ibang celebrity sa kanilang ama, samantalang si Dennis pala, dinedma ng tatlong anak.

Matagal nang hindi in good terms ang relasyon ng mag-aama.

Show comments