The Clash babalik, sasabayan ng battle of the judges

Magbabalik ang all-original Filipino singing competition na The Clash na sasabayan ng pinakabagong Battle of the Judges.

Kung ang huling apat na season nga ay nagpakilig sa Clash Nation sa mga hindi inaasahang sorpresa, diumano ay ang mas malalaking twist, mas matin­ding performance at nakakaantig na kwento mula sa Clashers ang mapapanood sa paparating na season next year.

Muling nagbabalik bilang The Clash Panel sina Lani Misalucha, Christian Bautista at AiAi delas Alas kasama sina Clash Masters Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob Rayver Cruz.

In this program, celebrity judges take the spotlight in a contest that pits judge against judge and talent against talent. The judges’ acts face off against each other in knock-out duels, but only one winner will be chosen.

Kaya this game involves strategy as much as performance, with the judges needing to decide who is best in their team to compete against their rival judge and talent.

Ngayon kaya, pinaghandaan ang premiere night

As expected ang ganda ng mga naglalabasang review ng pelikulang Ngayon Kaya starring Paulo Avelino and Janine Gutierrez.

Ito ay matapos ang ginanap na premiere night ng pelikula last Tuesday night.

Ang Ngayon Kaya ay pinagbibidahan ng rumored sweethearts na gumanap bilang “almost lovers” na sinusubukang bawiin ang kanilang nakaraan.

Tinodo ng producers ng pelikula – T-Rex Entertainment at ang sariling kumpanya ni Paulo, ang WASD Films, para mai-promote ito na kauna-unahang Tagalog film na ipinalabas sa mga sinehan nationwide.

Yes, ang Ngayon Kaya ang kauna-unahang locally-produced film na nagkaroon ng theatrical release – palabas ito sa halos 100 mga sinehan sa buong Pilipinas since Wednesday.

“Thank you so much sa naglaan ng oras... to be here. It means so much to us,” banggit ni Janine.

“I’m out of words. It’s been a while since I attended a premiere in a moviehouse. Masaya ako na nandito kayo at masaya ako na may pelikulang Pilipino ulit na pinalalabas sa sinehan,” hirit naman ni Paulo sa nasabing premiere night.

Almost three years na ring walang pinalalabas na pelikulang Tagalog nationwide kaya sasaludo ka sa ginawa nila.

Show comments