^

PSN Showbiz

Anji, tagumpay “tagumpay ang plano!”

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anji, tagumpay �tagumpay ang plano!�
Anji
STAR/ File

Iyan ang naging sigaw ng Singing Sweetheart ng Siargao na si Anji Salvacion mula sa Celebrity Kumunity matapos itanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 ng ABS-CBN sa ginanap na Big Night last May 29 sa PBB house.

Matapos malagpasan ang iba’t ibang hamon at pagsubok, ibinoto ng taumbayan si Anji na nakakuha ng 40.42 percent ng combined save and evict votes, ang pinakamalaki sa lahat ng Big 5, para manalo at makuha ang P2 milyong premyo.

“First of all, I want to really say thank you to God for giving me this opportunity and for giving me this biggest blessing in life. It’s not the title but it is how people trusted me. That’s my biggest, biggest blessing. How people look up to me...Tagumpay ang plano,” ika niya.

Hindi naging madali ang pag-abot ni Anji sa pangarap na maging Big Winner matapos maging nominado para sa eviction ng ilang beses noong Celebrity Edition, na siyang nagbukas ng season na ito noong Oktubre 16 noong 2021.

Dagdag pa riyan ang pagtama ng Super Typhoon Odette kung saan apektado ang pamilya niya sa Siargao.

Gayunpaman, nanatiling matatag si Anji na patuloy na ginamit ang galing sa pag-awit at paggawa ng musika at kagustuhang makatulong at manalo sa bawat task at hamon ni Kuya na siyang nagpamahal sa kanya sa mga manonood at naging daan upang siya ay maging Celebrity Kumunity Top 2 kasama si Alyssa Valdez.

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with