^

PSN Showbiz

Ang Nanay ng Harbat

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Espesyal ‘yung taong ikukwento ko ngayon (or ilalaglag!) bilang s’ya ay magse-celebrate ng kanyang birthday bukas, May 20. Siya ay ang nag-iisang Lolit Solis. Showbiz Columnist, Talent Manager, TV Host, Reyna ng Pagbati at ang Nanay ng Harbat! (I’m sure ‘yung pinakahuling title ang pinakagusto n’ya!)

 Hindi ko na maalala kung kailan kami unang una nagkakilala. ( o baka gusto ko lang kalimutan!)  Basta ang alam ko sa GMA7 kami nagkatagpo nung talent ako dun. Nagkakasalubong kami sa hallway hanggang sa nagkasama sa mga showbiz events at nakatrabaho sa isang talk show, ang Tweetbiz sa QTV-11. (‘di pa kami masyado close d’yan, kasi mas feel n’ya ata si Tim Yap na kasama namin sa show!)

 Nung lumipat ako sa TV5, nakita ko s’ya sa isang event na kino-cover ko. Ambush interviews ang pakay ko dun para sa segment ko sa isang talk show. Kaya nilapitan ko s’ya.

 MR.FU: “Hello, Nay Lolit! Madami nang lumipat sa TV5, kailan ka lilipat?”

 Lolit: “Lilipat lang ako kung ikaw ang makakasama ko sa show!”

 MR.FU: “Hahahahhahahahahhaha!” (as in tumawa lang ako nang malakas!)

 Lolit: “Hindi nga. Nakita kita magtrabaho. Gusto kita katrabaho.”

 MR.FU: “Awwww.. touch naman ako d’yan.” (siguro naman ‘di n’ya ako ineeklay nun!)

 Hindi kami nagka-show together sa TV5. Pero naaalala ko, nagte-text pa s’ya sa’kin ‘pag napapanood n’ya ako o may mga guesting pa rin ako sa  GMA7. Isa sa mga napag-uusapan namin ay kung kelan ko ipapadala ‘yung electric fan. Naging endorser kasi ako noon ng electric fan, at minsan pinapadalhan ko sila ni Tito Gorgy Rula. (nakakatawa ‘di ba, na electric fan lang talaga ‘yung kaya kong harbat for her!) Minsan nag-joke nga sya, wala raw bang aircon. (im sure, hoping s’ya na meron!)

Three years ago, napasama ako sa Take It Per Minute na show nila ng kapwa n’yang beteranang showbiz talk show host (na nilagyan ng Meganon ang show title eventually) Dito feeling close na ‘ko sa kanya. Imagine papasok pa lang ako ng studio, i-naabot na n’ya sakin ‘yung mga itinabi n’yang mga gift packs at harbat ng show. (as in,  kailangan lagi akong may share sa mga natatanggap na regalo mula sa mga  friends o fans ng show . Wow fans ha!) Dito ko talaga napatunayan na shine-share n’ya mga harbat n’ya. (well ‘di naman lahat, pero marami s’yang naipapamahagi!) 

Madalas ka-text ko s’ya tungkol sa mga  kagagahan namin sa show. Favorite naming pag-usapan at okrayin si Salve Asis. (na walang kamalay-malay!) Pero isa talaga sa  ‘di ko makakalimutan ay ‘yung ipinagtanggol n’ya ako sa isang sikat na female personality. Makakasama dapat namin ‘yun sa isang proyekto pero  ‘di pala ako feel makasama ni female personality dahil hindi  raw ako knows ni ateng. (pasensya naman po….) Sabi ko  sa kanya na ok lang kahit wala nako dun sa show na ‘yun at sila na lang. Pero ‘di s’ya pumayag. Gagawan daw n’ya ng paraan. (pero ‘di naman MMFF scam ang level ha!) Naloka na lang ako nung mabasa ko ‘yung usapan nila ni female personality, at kung paano n’ya ako ipinagtanggol at ibinida. (‘yung parang kulang na lang gawin n’ya akong santo!) Tumatak sa’kin ‘yun. (unless chinacharot lang n’ya si female personality para pumayag!)  Hindi natuloy ang show na ‘yun. (so parang kasalanan ko!)

2 months ago, nayanig ‘yung Take it Per Minute Meganon. (naku ‘di ko na e-explain baka may mag-okray na naman sa’kin! ) Napalitan ng title, naging Take It Take It Meganon at kaming dalawa na lang. Lalong feeling close ako sa kanya ha. (napapasama na ‘ko sa mga ig posts n’ya!) Lalong naging nanay s’ya sa’kin sa show. (kahit naiirita s’ya minsan ‘pag retouch ako nang retouch!) Feeling “Im seated at the right hand of the Mother!” ako.   (well, literal kasi nakaupo talaga ako sa ride side n’ya ever since!) Pero seriously, she has always been in my heart. (wag lang mare-react ang anak n’yang si Sneezy!) Naniniwala ako may rason ang universe kung bakit kaming dalawa ang naiwan sa show. (baka kasi ako na magiging Harbat Princess! Bilang s’ya ang Queen!)

Happy 75th birthday, Nay Lolit! (hanggang 175 years old ka pa ha! Oo, 175!)

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. TITIMG on PSN FB, 12nn-1pm, Tuesdays)

(Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with