^

PSN Showbiz

Robin, mahal ng langit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Isa na siguro sa pinaka-suwerteng tao sa mundo si Robin Padilla. From the start, kahit anong gawin niya, nalulusutan niya.

From Bad Boy na nakulong pa nun, now number 1 sa Senatorial race.

Baka naman may ginawa talaga siyang maganda sa buhay niya kaya panay grasya ang natatanggap niya.

In fairness naman, never nawala ang pagiging magalang niya, iyong mga kaibigan niya hindi niya iniiwan.

What you see is what you get kay Robin. Kaya siguro feel ng mga tao ang nasa loob niya.

Ngayon dapat niyang ipakita na karapat-dapat siya sa number 1 position na iyon.

Na kaya niya ang responsibilidad na dala nito. Dapat kumuha niya ng mahuhusay na consultant, mga tao na magtuturo sa kanya ng tama. Magbibigay ng mabuting advice.

Mukhang mahal siya ng langit at ni Allah, kaya siguro naman tama ang mga gagawin niya.

Bea, makikipag-chikahan sa mga Espanyol

Wow, bongga ang Bea Alonzo, Salve.

Imagine mo na sa Spain siya bumili ng isang unit na apartment ha. Talagang mag-aaral siya ng Spanish language para makipag-chica chica sa mga neighbor niya sa Spain.

In fairness, ang galing ng investment niya.

Pero sure ako hindi tayo puwedeng bumisita dun Gorgy at Salve, dito nga sa Pinas pina-cancel tayo sa isang presscon ni Bea, baka sa lakas ng power niya ay ipaharang tayo sa Immig­ration ng Spain pag nagpunta tayo dun, hah hah hah. Iyon na ang the height ng power tripping, talagang bow na ako pag nagawa niya iyon.

Ewan ko kung bakit kailangan paabutin ni Bea sa cancel culture ang inis niya sa atin, samantalang kung level headed siya ang kailangan lang niyang gawin ay komprontahin tayo, sabihin ang ayaw niya sa atin, at kunin kung anuman ang side natin para maayos lahat.

Easy lang, hindi kailangan iyon power play na ayaw ko silang makita sa presscon ko, alisin sila sa list ng mga invited, very harsh di ba!

Pero baka naman talagang wah niya feel ang face ko, ni Gorgy at Salve, so be it. Your way, our way, kanya-kanya tayo, at sana lang forever Bea ka na may power magpa-cancel.

Ganundin naman iyon, pagbaba mo, andiyan pa rin kami nila Salve at Gorgy, dahil hindi tulad mo na ang puhunan beauty, na puwedeng mawala pag gurang ka na, kami habang tumatanda tumataas ang premium, hah hah hah.

Goodluck Bea, sana umabot ka ng 75 years.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with