^

PSN Showbiz

Starlet na kulay rosas, walang oras mag-move on

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Aba kahit mahigit isang lingo nang tapos ang eleksiyon pero kuda pa rin nang kuda ang mga starlet na Kakampinks! Eh ‘yung ibang celeb na mas sikat sa kanila, tumahimik na!

Lumipad na nga patuong States si VP Leni Robredo para dumalo sa graduation ng isang anak, pero itong mga starlet na Kakampinks, walang oras para mag-move on at harapin ang trabaho kung meron man!

Nakakaumay na kasi. ‘Yun at ‘yun din naman ang hinaing nila! Walang bago, huh! Hindi naman mababago ang resulta dahil masyadong malaki ang agwat ng lamang!

Sa July 1 ang pag-upo nina President-elect Bongbong Marcos at presumptive VP Sara Duterte. Saka sila umepal pag may pakpak na ginagawa!

Kris pinapa-research ang sakit

Nakiusap si Kris Aquino na huwag idamay ang mga anak na sina Josh at Bimby sa pinagdaraanan niya ngayong karamdaman.

Masakit sa dibdib ang latest update ni Kris sa kanyang kalusugan sa Ins­tagram. Eh dahil medical terms ang nakalagay na sakit niya, nag-request siya sa followers na i-research ito.

Ipanalangin natin na malampasan ni Kris ang krisis na ito sa kanyang kalusugan.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with