^

PSN Showbiz

James, ayaw tigilan sa kahalikang lalaki

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi na siguro kailangang patulan pa ni James Reid ang nag-trending na may nakahalikan siyang lalaki sa isang party sa Poblacion, Makati.

Nilagyan lang ng malisya ang pagbeso nito sa isang kaibigan, na business partner niya pala sa Careless Music.

Magkasabay raw nilang sinelebrayt ang kanilang kaarawan. Mga kaibigan na mismo ang nagtanggol sa singer/actor, at ipinaliwanag kung bakit merong halikan.

Hindi naman sa labi humalik kundi sa pisngi lang, at na-dare lang silang humalik.

Nandun din daw ang girlfriend nung lalaking nakahalikan ni James, at meron pa raw silang isa pang kaibigan na sumabay ring naki-birthday sa kanila.

Hanggang kahapon ay mainit pa rin itong pinag-usapan sa Twitter, pero fans na mismo nagsasabing huwag nang lagyan ng malisya, dahil sa panlalait nila kay James kung bading nga ito, lumalabas ang pagiging homophobic nila.

Paolo, Bubble Gang na lang ang ginagawa

Hindi madali sa mga original cast ng Bubble Gang ang magpaalam sa mga kasamahan na tinanggal na sa naturang gag show.

Naging emotional nga si Chariz Solomon sa nakaraang mediacon nila dahil iba na raw ang samahan nilang lahat, kaya mahirap ang paalaman.

Sabi naman ni Paolo Contis, hindi man sila magkakasama sa isang show ngayon, nanatili pa rin silang magkaibigan at anytime ay puwede silang magkita-kita.

Pero aminado rin si Paolo na kinabahan din daw siya noon, dahil kahit sino naman daw sa kanila ay puwedeng matanggal.

Ito na lang bale ang regular show ni Paolo, at walang iba pang programang naka-line up sa kanya, pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.

Kaya naka-focus na siya talaga sa Bubble Gang. “May kaba ‘yun siyempre. At the end of the day, lahat naman kayo kumbaga replaceable ikanga.

“Ako naman kasi, priority  ko naman talaga comedy, ‘di ba?

“Pero siyempre, nung binigay sa akin ‘yung I Left My Heart in Sorsogon, thankful ako.

“Kung meron mang plano na ibigay sa akin na panibago, of course I will be thankful,” pakli ni Paolo sa nakaraang mediacon ng Bubble Gang na nasa 27th year na.

Nagtataka lang kami, kung bakit hindi na nasundan ang programa ni Paolo ng iba pang programa.

Hindi kagaya noon na sunud-sunod ang mga ginagawa niya.

Mabuti na lang dahil sa I Left My Heart in Sorsogon, nakuha siyang mag-endorse ng Ako Bicol Partylist. “Ako naman nagtitiwala sa GMA, whatever their decision is. Hindi naman ako ‘yung tipo ng artista na gusto ko ganito, hingi ako ng ganito. Hindi ako nagpa-follow up kung ano ang gagawin.

“So for now, I’m doing Bubble Gang. Paminsan-minsan nag-All Out Sundays ako.

“We’ll see after nito, kung ano ang sunod na plan. Again, ako naman hindi ako nanghihingi. Naghihintay lang ako ng kung para sa kanila ano ang deserved ko, that’s what I do,” saad ng Kapuso actor.

Nagpapasalamat lang daw siya sa mga ka-team niya sa comedy dahil hindi raw talaga siya pinababayaan kahit nasa gitna pa siya noon ng kontrobersya.

“I’m very thankful to GMA, especially sa kina Ms. Bang (Arespacochaga), Ms. Ja (Piad-Nacar), kina Ms. Cecille (de Guzman), very solid supporter ko ‘yan. Na kahit anong mangyari sa personal kong buhay, nandiyan sila.

“They’re more than my boss, they’re my friends. Kung ano ‘yung mabigay sa akin ng GMA…. again, kung Bubble lang, nakakagawa naman ako ng iba sa labas, ng pelikula. Ito, nagawa ko ang Ako Bicol dahil nagkaroon ako ng oras.

“Nag-a-adjust din naman ang Bubble Gang for me. So, dito lang po ako,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with