^

PSN Showbiz

Mga dating Miss Universe, nag-reunion sa bansa!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Mga dating Miss Universe, nag-reunion sa bansa!
Michelle Dee.

Humakot ng special awards si Michelle Dee sa preliminaries ng Miss Universe Philippines 2022. Ngayong araw na ito, Linggo, ang announcement ng winners kung saan limang former winners ng Miss Universe ang reunited para maging bahagi ng event.

Ang Miss U winners na nasa bansa ngayon ay sina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Iris Mittenaere, Demi Leigh Tebow at Harnaaz Sandhu.

Naka-post sa Instagram ni Catriona ang picture nilang Miss U winners at may caption na, “Reunited with these beautiful souls!”

Mapapanood sa GMA 7 ngayong umaga ang coronation ng Miss Universe PH.

Magkaroon kaya ng bagong title si Michelle?

Anak ng former Miss International na si Melanie Marquez si Michelle Dee sa asawang si Derek Dee.

Pero never naging stage mother si Melanie sa anak na may sarili na ring buhay but of course, super proud siya sa kanyang anak.

Unknown to many, isa sa nominees ng party­list na LBP si Melanie. Pero ayon sa kanya nang makausap namin, third nominee siya na health ang magiging programa.

Pero tuloy pa rin siya sa showbiz. May waiting siyang isang Kapuso series na gagawin niya.

Bukod sa showbiz at ibang advocacies, inaayos ni Melanie ang kanyang social media accounts at telepono, internet na na na-hack kamakailan. Fee­ling niya, isang taong naging malapit sa kanya ang gumawa nito.

vuukle comment

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with