^

PSN Showbiz

Kapamilya cutie, nuknukan ng landi!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

“Flirty Boy” pala ang tawag ng ibang girls sa Kapamilya cutie boy na ito.

Paano, sobrang hilig pala niya sa girls, huh!

Lahat pala ng mga girl na madikitan niya, nilalandi ni Kapamilya cutie boy at feeling niya ay makaka-score siya palagi, ‘noh?!

Pero kahit charming si Kapamilya cutie boy, hindi naman umuubra palagi ang pagpi-flirt niya. Maraming pagkakataon na bokya siya.

May isang girl nga na naka­tsikahan namin na binash-bash noon ng mga fan ni “Flirty Boy” ang nag-dialogue na binasted-basted niya ito kahit panay ang landi sa kanya.

“My gosh, he’s the one ma­king landi to me and his fans, ako talaga ang binash, kung alam lang nila na ilang beses ko siyang binasted!” sey ng sosyal girl na nakatsikahan namin.

Clue? Naku, huwag na dahil mahilig pa naman mag-react ang management team ni Kapamilya cutie boy at feeling nila ay masyadong inosente ang alaga nila, ‘noh?!

Naka-sked na concert series ni Vice sa amerika, maingay

Nakatsikahan namin si Ms. Anna Puno ng Starmedia Entertainment, Inc. na promoter ng Reminiscin’ US concert tour nina Joey Generoso at Jinky Vidal.

Masaya si Anna dahil more than 80% ang nabentang tickets sa kick off show nina Joey at Jinky sa Stafford Civic Center sa Houston, Texas noong Friday evening (tanghali kahapon sa Philippines).

“Ayaw umalis ng mga tao kahit tapos na ang show. Gusto pa nilang mag-perform sina Joey at Jinky. Nakakatuwa,” tsika ni Anna.

Si Anna rin ang promoter ng Fully Vice-cinated! USA Concert Tour 2022 ni Vice Ganda na magsisimula sa July 2 sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.

Tsika ni Anna, grabe raw ang tickets inquiries para sa five shows na gagawin ni Vice sa Amerika. In fairness daw, pati mga fan ni Darren Espanto ay nag-i-inquire na rin for tickets.

Bongga na talaga ang Pinoy concert scene sa Amerika, Ateng Salve, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with