^

PSN Showbiz

Ogie, ima-manage na si Ian!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ogie, ima-manage na si Ian!
Ogie at Ian.

Alam mo, Ateng Salve, may official announcement na si Ogie Alcasid tungkol sa pagiging part na ni Ian Veneracion sa growing family ng A Team.

Yes, ang grupo na ni Ogie ang nagma-ma­nage ngayon sa career ni Ian.

Very soon ay may big presscon ang A Team para i-announce ang mga plano nila for Ian’s career.

Of course, may mga plano rin si Ogie na mag-concert sila ni Ian dahil click ‘yung KilaboTitos nila, huh!

Martin, babalik uli sa Amerika

Ang live episode ng ASAP Natin ‘To sa Sunday.

Sa Monday at Tuesday naman sila magte-taping.
Hindi pa rin weekly ang live episode ng Sunday musical show ng ABS-CBN.

Advantage naman ‘yon sa ka­tulad ni Martin Nievera na paalis na uli pa-Amerika on Wednesday.

At least, may two fresh episodes pa na magagawa ang Concert King para sa ASAP Natin ‘To.

Kailangang pumunta uli ng Amerika ni Martin dahil may ilang shows siya na gagawin doon.

Bongga!

Anyway, parehong nakabalik na sa ‘Pinas sina Erik Santos (noong isang gabi lang) at Jed Madela na rumatsada sa shows sa Amerika, kaya ang tanong ng mga fan nila ay kung balik-ASAP Natin ‘To na ba sila sa Sunday?

Joey at Jinky, may us concert tour din

As we write this, nakaalis na pa-Amerika sina Joey Generoso at Jinky Vidal para sa kanilang Reminiscin’ US concert tour.

Sa Dallas, Texas ang port of entry nila, pero sa Houston na raw sila imi-meet ng Starmedia Entertainment, Inc. promoter na si Ms. Anna Puno.

Sa Stafford Civic Center ang first show nila ng April 29 (Friday) at sabi ni Anna, few tickets na lang daw ang natitira at mukhang maso-sold out sila.

‘Yun na!

 

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with