^

PSN Showbiz

Aktres na mahilig magparetoke, pinaglalaban sa abroad ang ibobotong presidente

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Galing sa ibang bansa ang aktres na ito na madalas mag-iba ang itsura (mahilig kasi siyang magpa-enhance ng kanyang physical feature).

Sa isang dinner, super tsika si aktres at ikinuwento sa mga kaharap na ang lakas-lakas ng presidentiable na kanyang sinusuportahan sa bansang pinuntahan niya.

Pero exaggerated daw magkuwento si aktres dahil ang dialogue niya, lahat daw ng mga nakahalubilo niyang Pinoy sa bansang pinuntahan ay ‘yung presidentiable na sinusuportahan niya ang sinusuportahan din.

“As in? Talagang ‘yung kandidato lang daw niya ang type ng mga Pinoy sa bansang pinuntahan niya. ‘Kaloka ang pagka-die hard niya,” sabi ng isang nakaharap ng aktres na ‘yon.

As if naman daw ‘yung presidentiable na sinusuportahan ni aktres ay nangunguna sa mga survey, pero hindi naman.

Well, ganoon naman talaga ang ibang mga die hard supporter, madalas ay nagbubulag-bulagan sila at palaging number one sa kanila kung sino ‘yung ‘manok’ nila.

Jake, abala sa inayawang serye ni Jericho

Si Jake Cuenca raw ang pumalit kay Jericho Rosales para sa isang online streaming series na kasama rin sa cast sina Iza Calzado, Isabelle Daza at iba pa.

Bongga raw ang project na ‘yon dahil international direktor daw ang mamamahala.

At least, may pinagkakaabalahan si Jake habang ‘nagdurugo’ ang kanyang puso dahil sa breakup nila ni Kylie Verzosa, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with