^

PSN Showbiz

Xian, ayaw ng problema ‘pag kinasal sila ni Kim!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa nakikita natin sa relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu, cool lang sila.

Kamakalawa lang ay nag-birthday si Kim at ang sweet naman ng message ni Xian para sa kanyang girlfriend na ipinost sa kanyang Instagram account. “ To my person, to my always, happiest birthday! Millions of people love you. I love you and I’m crazy about you. Enjoy your day love. Breathe, slow down, cherish the moment  (3 hearts emoji & flower)”

Sa nakaraang mediacon ng first project ni Xian sa GMA 7 na False Positive, tinanong namin sa bagong Kapuso actor kung nakikita nilang handa na silang mag-settle down, sa tingin ba nila ay dapat na pag-usapan nang mabuti ang mga kondisyon sa kanilang pagsasama, kagaya ng pre-nuptial agreement, savings, bills at mga gastusin at mas mabuting mapagkasunduan na?

Ani Xian: “I strongly believe na dapat na pag-usapan talaga ang lahat ng bagay. Lahat plantsado before pumasok. I think you don’t want ‘yung magkaproblema o ganyang hurdles na lumabas ‘pag once nandun na kayo sa point na ‘yun na magkakagulo kayo, and it might shake the relationship and it might be a chance na magkahiwalay.

“Personally, ayoko naman umabot sa point na ‘yun. But I think dapat plantsado. I think, bank accounts, and even how you settle bills, and even spiritually dapat handa kayo na your heart… dahil you don’t want na magkaroon ng failed marriage, or even na parang you want what’s best for your kid, dapat na pag-usapan talaga.”

Nilinaw uli namin kay Xian na agree ba siya sa pre-nup agreement bago ang kasal, dahil pareho naman silang may magandang showbiz career ni Kim.

“Hindi pa naman namin napapag-usapan. But I guess to share one thing na nadaanan namin, I remember… hindi namin napag-usapan, but out of nowhere we just brought up ‘yung sinabi ni Steve Harvey na every couple needs to have bank accounts. I’m sure some people, may or may not agree na one to pay the bills, one savings for the couple, and one for you and one for her. So, I think wala lang… parang I just remember, o cool, parang nakita lang namin.

“I think, entering something na ganun kalaki ang needs proper planning and mapag-usapan nang maigi,” saad ni Xian.

Pero sa ngayon ay ini-enjoy lang muna nila ang kanilang relasyon, at kahit nagpapakasal  at ang iba ay magkaka-baby na ang ilang kasabayan nila, hindi pa naman daw sila napi-pressure na dapat ay ganun na rin sila.

“Hindi ko naman po nararamdaman. Basta ang kasunduan namin as long as nagmamahalan kami nang lubos, that’s all that matters,” napapangiting pahayag ng leading man ng False Positive.

Sa May 2 na ito magsisimula at aminado si Xian na kabado talaga siya sa pagsisimula ng first project niya sa GMA 7.

“Sobra akong kabado. Lagi kong sinasabi na I don’t wanna fail you guys. But, I’m just here to enjoy the process, and talagang, gusto ko lang sabihin na binigay ko lahat dito. And wishing for the best and more more projects,” pakli ni Xian.

Jake, nag-aayos ng green card sa Amerika

Nung November pa pala nasa Amerika si Jake Zyrus, kaya malabo talagang makapunta sa burol ng kanyang lola at tiyuhin na pumanaw kamakailan lang.

Tila hindi alam ng kanyang inang si Mommy Raquel Pempengco na nasa Amerika ang kanyang anak, pero madali naman gawan nang paraan kung talagang gusto nitong makiramay sa kanyang pamilya. Ayon sa ilang kaibigang napagtanungan namin, inaayos daw ni Jake ang kanyang green card doon sa Amerika.

Marami ang nagpayo sa kanya na dapat na mag-renew siya ng green card.

Pero maaaring matagalan dahil aayusin pa nito ang kanyang status bilang isang transman.

Siyempre, babae pa siya at Charice Pempengco ang identity niya sa kanyang unang green card.

Marami na rin daw ang sumubok na interbyuhin siya, pero tumatanggi raw ito. Ayaw raw niya talagang magpa-interview, at mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang trabaho.

May offer daw sa kanya para sa isang film project na ipalalabas sa Netflix, pero tinanggihan daw ito ni Charice at mas piniling mag-record ng isang album.

So far, wala pang balita kung kailan ang release ng kanyang album.

vuukle comment

JAKE

KIM

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with