^

PSN Showbiz

Seth, walang galit!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Seth, walang galit!
Seth Fedelin.

Opisyal nang magkasintahan sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero. Naging trending online ang video nang ibigay ng aktres ang kanyang matamis na ‘oo’ sa basketbolista noong April 9. Kahit maraming tagahanga ang kinilig para sa bagong magkasintahan ay mayroon pa ring online bashers ang umatake kay Andrea.

Marami ang nagtanong kung ano ang naging reaksyon ni Seth Fedelin na katambal at naging kasintahan ng aktres sa loob ng dalawang taon. Agad namang nagbigay ng kanyang pahayag si Seth sa pamamagitan ng isang video sa kanyang Instagram account. “Ngayon ako magsasalita kasi hindi na maganda ‘yung mga nababasa ko. Napaka-unfair dahil wala po kayong alam. Unfair po para sa kaibigan ko na makabasa at makarinig ng mga salita na wala tayong karapatan para banggitin. Alam ko kung ano talaga ang nangyari. Alam namin kung anong nangyari, alam ng mga kaibigan namin kung anong nangyari. Hindi ko na natiis talaga kasi sobra na, guys. Nawawalan na tayo ng respeto. Hindi na deserve ng kaibigan ko na makarinig ng mga gano’ng salita. Kaya tama na po, please lang, tama na,” pakiusap ni Seth.

Nilinaw din ng aktor na wala siyang galit na naramdaman dahil sa pagkakaroon ng bagong nobyo ni Andrea. Ayon kay Seth ay talagang masaya siya ngayon para sa aktres. “Wala akong galit. Ang meron ako tuwa dahil deserve ng kaibigan ko na may gumawa sa kanya ng gano’ng bagay. Ipagsigawan siya sa publiko, kaya happy ako. Wala akong anything negative na nararamdaman. Kami ang nakakaalam ng totoo kaya magsitigil na kayo. So far sa mga nababasa ko, sa mga naka-tag sa akin, sa mga nakikita ko sa social media, hindi na tama,” paglili­naw ng binata.

Nakiusap din si Seth na suportahan na lamang ang relasyon nina Andrea at Ricci. “Suportahan na lang natin, huwag na tayo sumira. Suportado ko silang dalawa. Walang dapat madehado dito. Kaming dalawa (ni Andrea) ang may alam kung anong totoo, guys. Wala kayong idea, hindi tama lalo na’t babae. Parang wala naman tayong respeto guys sa mga magulang natin, sa mga nanay natin. Hindi ako magsasalita para sa sarili ko. Nagsasalita ako para sa kaibigan ko,” giit ng aktor.

JC, natupad ang wish

Isa si JC Alcantara sa pinakabagong cast member na mapapanood sa ikalawang season ng He’s Into Her na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Masayang-masaya si JC dahil talagang sinubaybayan daw niya noon ang unang season ng naturang teen-oriented series. “Nurse ako dito, sobrang saya ko. Dati no’ng napanood ko ‘to sabi ko sana maging part na ako kahit ano lang din. Ngayon sobrang saya ko na nakasama na ako do’n tapos siyempre kasama ko na lahat ng cast,” nakangiting pahayag ni JC.

Ayon sa aktor ay masaya ring katrabaho ang lahat ng kasamahan sa serye. “Sobrang saya nila katrabaho at sa set naman, ako kasi ‘yung nagpapa-lighten ng scene din. So sa mga nanonood, ako ‘yung nagpapa-light ng scene ‘pag merong something na nangyayari. May pagka-comedy ako dito. Sobrang solid ng character ko dito at ang saya. Sa pinag-stay-an namin naglalaro lang kami ng ML,” kwento ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with