^

PSN Showbiz

Andi at Philmar, magbubukas ng surf school/shop

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andi at Philmar, magbubukas ng surf school/shop
Andi, Philmar at mga anak.

Noong isang buwan ay nakabalik na sa Siargao si Andi Eigenmann kasama ang pamilya. Matatandaang pumunta ang aktres sa Maynila nang nasalanta ng bagyong Odette ang kanilang lugar sa probinsya. Ngayon ay magbubukas ng surf school ang asawa ni Andi na si Philmar Alipayo sa Siargao. Kilala bilang isang magaling na surfer ang mister ni Andi. “He’s been dreaming of putting up a surf school and surf shop. Ngayon nag-partner na siya with Mang Carding of Kanaway Surf School. So they are going to reopen Kanaway together this time and prepare the shop in time for you guys this summer. So by Holy Week, you can book your surf lessons and surf guiding,” pagbabahagi ni Andi sa pamamagitan ng kanyang video blog.

Ayon sa aktres ay malaking-tulong para sa surfers ng Siargao kung papatok sa turista ngayong Mahal na Araw ang naturang Surf school. “It will be obviously such great help to surf instructors here. Kasi ‘yan ang source ng livelihood ng karamihan dito, tourism,” giit niya.

Isang snack bar din ang nakatakdang buksan ni Andi bilang kanilang bagong negosyo sa Siargao. “Ang katabi naman ng Kanaway Surf School dito sa Katangan is going to be Kanaway Snack Bar. So you can have your pre and post snacks and palamigs there at our snack bar opening very soon,” pagtatapos ng aktres.

Anji, natupad ang pangarap

Masayang-masaya si Anji Salvacion dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. Nakilala ang dalaga bilang housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Pagkalabas mula sa bahay ni Kuya ay kabi-kabila ng proyekto ang nagawa ng dating PBB housemate. Bukod sa pagiging host ng Bida Star Singer ay magkakaroon na rin ng solo concert ng dalaga. Mapapanood ang Feels: The Concert sa pamamagitan ng KTX.ph sa April 30. “I am so excited kasi ito po ‘yung naging parang dream ko para sa sarili ko since I was little. I am just so excited na I am able to share din this dream sa lahat. Finally, I am going to do a solo concert. I am just excited,” nakangiting pahayag ni Anji.

Sa ngayon ay kailangan pa umanong bumenta muna ang tickets ng naturang digital concert upang maka-finalize kung sino ang mga magiging panauhin dito. “May mga special guest tayo for the concert, pero bili muna kayo ng ticket before we can find out kung sinu-sino ang mga aabangan natin na special guest sa concert,” giit ng dalaga. Reports from JCC

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with