^

PSN Showbiz

Julie Anne nagsalita sa pagre-’remove’ sa kanya ni Janine

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne nagsalita sa pagre-�remove� sa kanya ni Janine
Julie Anne.

“Mas mabuti pong siya ang tanungin n’yo at sumagot dyan,” consistent na sagot ni Limitless artist Julie Anne San Jose kahapon sa paulit-ulit na tanong kung officially jowa na ba niya si Rayver Cruz.

Pero aminado si Julie Anne na happy siya at ok sila ng actor. “We’re ok and I’m very happy,” tawang-tawang sagot pa niya sa online media conference ng Limitless Part 3 : Rise na last part ng kanyang musical trilogy.

Aminado rin siyang inspired siya everyday. 

Pero ang medyo nakakilig sa ibang nag-attend sa nasabing zoom conference, aniya ay parang nadagdagan ang inspiration niya tuwing lumilipas ang araw. “Actually, it’s good to be happy and inspired,” hirit niya pa.

Lately ay dama sa mga post nila ng ex ni Janine Gutierrez na may something na sa kanila. Lutang ang spark sa kanilang mga mata at blooming ang singer / actress.

Na by the way ay natanong din siya kung anong masasabi niya na diumano’y ni-remove siya ni Janine as follower sa kanyang Instagram account. “Nagulat na rin lang po ako. But to be honest, wala na po sa akin ‘yun. May kanya-kanya po tayong reason, wala po akong problem with anybody walang masamang tinapay sa akin and everyone is entitled to their own opinion,” depensa niya. Ulit niya : “Wala po ‘yun sa akin, malinis po ang aking konsensiya. Good vibes good vibes lang po tayo.”

At nang tanungin siya kung naka-follow ba siya kay Janine “Yes, naka-follow po ako sa kanya, wala naman po talagang kaso sa akin,” katuwiran niya pa.

Pero talaga nga bang ni-remove siya ni Janine?

At dahil introverted daw siya, malaki ang naitulong ng Limitless series sa kanya na si Paolo Valenciano ang director. “Hindi ako expressive. Pero though this project mas naging bukas po talaga ako. May mga bagay na unti-unti na-unfold at mas marami pa akong mga bagay na nadidiskubre sa sarili ko.

“‘Yung cycle of life. Na bago ka makabangon, kailangan mo munang mag-heal, rest and ok na. Na let go ko na ang mga baggage na dinadala ko,” sabi pa ni Julie Anne na mapapanood ang Rise episode sa April 9-10, 2022.

Ang Limitless musical trilogy ay nagsimula noong Setyembre kung saan ginalugad ni Julie Anne ang mga nakatagong ganda ng Mindanao at sa proseso, ibinahagi niya ang kanyang sariling karanasan pati na rin ang kanyang mga natuklasan tungkol sa kanyang sarili.

Sa ikalawang bahagi ng trilogy, nilibot niya ang magandang isla ng Siquijor sa Visayas.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with