Olivia at Kim taehyung ng BTS sinapawan ang kontrobersyal na pananampal ni Will Smith kay Chris Rock
Grabe ang kilig sa ‘bulungan’ short video nina Olivia Rodrigo and Kim Taehyung ng BTS.
Super viral ito habang magkatabi sila kung saan parang nagulat ang reaction ni Olivia na nagkaroon ng cameo sa Butter performance ng BTS sa naganap na Grammys sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas .
Dahil dito, biglang nakalimutan ang kontrobersiya sa Oscars nina Will Smith and Chris Rock.
Nanalo si Olivia Rodrigo ng Best New Artist and Best Pop Solo Performance na pinatunayan ang husay niya na nag-umpisa sa Driver’s License.
May surprise appearance naman si Ukraine Pres. Volodymyr Zelensky at humihingi ng tulong, na sinundan ng performance ni John Legend ng kanyang kanta na na Free sa naganap na Grammys na big winner si Jon Batiste.
- Latest