^

PSN Showbiz

Kalahating milyong donasyon, nalikom sa virtual Run fundraiser

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kalahating milyong donasyon, nalikom sa virtual Run fundraiser
Piolo.

Nakalikom ng mahigit P500,000 na donasyon ang SKY mula sa mga kalahok ng kanilang Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run. Ang halagang ito diumano ay maaaring makapagbi­gay ng food packs sa 1,000 pamilya o 5,000 indibi­dwal na bumabangon pa rin matapos masalanta ng Super Typhoon Odette.

Umabot sa halos 1,500 ang mga lumahok sa virtual run mula Pebrero 1 hanggang 28. Kabilang sa mga nakilahok para mag-donate at sumabak sa 100 hakbang challenge ay ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual, celebrity coach na si Rio Dela Cruz, at Director for Advocacy ng ABS-CBN Foundation at host ng G Diaries na si Ernie Lopez.

Maraming kalahok ang nag-post ng kanilang lit­rato at video sa Facebook at Instagram na ginagawa ang challenge, gamit ang hashtag na #100HakbangSaPagtutulungan. Maliban sa hinikayat nila ang iba na sumali, ibinahagi rin nila ang kanilang kasiyahan sa pagkakataong maging aktibo habang nakakatulong sa mga nangangailangan.

Bukod sa 100 hakbang challenge, halos 300 na kalahok ang nakakumpleto ng 5K at 10K virtual run at nagpadala ng mas malaking donasyon para sa mga nasalanta.

Ang Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulu­ngan: Kapamilya Virtual Run ay inorganisa ng SKY, kasama ang channel partners na HBO at History, para suportahan ang Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan, ang ikalawang bahagi ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation fund drive para sa mga nasalanta ng Odette.

Nitong Marso 17, may 207,029 pamilya na ang nabigyan ng food packs at 548 pamilya ang nabigyan ng home repair kits sa tulong ng mga donasyon.

vuukle comment

RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with