^

PSN Showbiz

Jericho, kabado sa Sellblock

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jericho, kabado sa Sellblock
Jericho Rosales,

Kamakailan ay napabalitang magbibida si Jericho Rosales para sa international series na Sellblock.

Ayon sa aktor ay puspusang paghahanda na ang kanyang ginagawa ngayon para sa naturang proyekto. “Working on this of project would push me to prepare in ways that I haven’t done before so I kind of love that fresh experience. It’s always very exciting to do new things. Especially groundbreaking projects and I felt that Sellblock is one of those. It was presented at the time when I was looking for projects with more grit, projects that would push me, motivate me to try out new things, out of the box stuff, even character roles,” pagbabahagi ni Jericho.

Aminado ang aktor na talagang nakararamdam siya ng kaba ngayon dahil mas mara­ming makakapanood ng kanyang bagong gagawin.

Makakasama rin ni Jericho sa bagong serye sina Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Rosanna Roces, Mon Confiado at RK Bagatsing. “There’s little nervousness on my part and when I get ner­vous about something, it means that it’s a good thing,” makahulugang pahayag niya.

Tatlong taon na ang nakalilipas nang unang ialok kay Jericho ang naturang international series. Agad daw nagkaroon ng interes ang aktor noon dahil matagal na rin niyang pinapangarap na makagawa ng international project. “My dream has always been to work with the best in the world. The best actors, best directors, best people in production, best scripts, the best locations. Who doesn’t want that, right? When an opportunity like this comes, you don’t sleep on it. You respond right away. When it was presented to me, I really liked it. Unfortunately, COVID-19 happened, but I’m really glad that Sellblock is back,” paglalahad ng aktor.

JC, hinding-hindi iiwan ang ABS-CBN

Naging emosyonal si JC de Vera nang pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa Kapamilya network dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan. “Gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN for trusting me and of course, for always giving me an opportunity sa akin. Sa mga boss na nandito ngayon, maraming Salamat for believing in me,” emosyonal na pahayag ni JC.

Para sa aktor ay hindi naging madali ang pi­nagdaanan ng Kapamilya network nitong mga nakaraang taon mula nang nawalan ng prangkisa noong 2020. “Nakakaiyak naman, marami tayong pinagdaanang challenges. Naiiyak ako, hindi ko masabi. Everyone went through a lot. Napanood ko ‘yung bawat hakbang na ginawa ng network. At sinusubaybayan ko din ang pinagdaanan ng lahat. Ang hirap kasi nakakalugmok,” pagpapatuloy ng aktor.

Umaasa si JC na muling magkakaroon ng prangkisa at makabangon ang ABS-CBN. Kahit kailan ay hinding-hindi raw iiwan ng aktor ang network na siyang nagtataguyod sa kanyang karera. “Nanatili ako na hopeful and proud na lumalaban kasama nila. I remained loyal and faithful to them. Kasi nakita ko kung paano nila pinaglaban ‘yung mga tao nila, lahat kami,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with