^

PSN Showbiz

Coco at Julia, lantad na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, lantad na
Coco at Julia
STAR/ File

Hindi na naitatago ang tunay na relasyon nina Coco Martin at Julia Montes. In the first place mukhang wala na naman silang itinatago sa matagal na nilang relasyon.

Noong una sinasabi ngang kailangang itago iyon dahil baka makaapekto sa popularidad ni Coco, pero ngayon naman na established na ang kanyang career, wala na sigurong magi­ging negative effect kung malaman man na may girlfriend na siya.

Noon din, ang leading lady niya sa kanyang serye ay si Yassi Pressman. Ngayon si Julia na kaya siguro visible na sila.

Nakikita na silang magkasama sa kanilang mga bakasyon. Marami na ring kuwento ang kanilang mga kaibigan. Kaya hindi kami magtataka kung isang araw na hindi lamang ang kanilang relasyon ang aminin nina Coco at Julia.

Palagay namin, ito na ang tamang panahon para lumagay na sa mas tahimik na estado si Coco. Mayroon na siyang malaking bahay. Nakapagpundar na rin ng mga ari-arian, siguro naman natulungan na rin niya ang kanyang pamilya.

Siguro rin sapat na ang napatunayan niya sa kanyang career. Ito na ang panahon para sa kanyang pribadong buhay.

Dumating na iyong punto na si Coco ay hindi na lang isang personality, kinikilala na siyang tunay na actor at pinanonood siya dahil sa kanyang talent. Wala na silang pakialam kung magkaroon man siya ng asawa o hindi.

Wala na ring pakialam ang fans kung may anak ba siya o wala. Basta ang pinanonood nila si Coco at kung papaano niya ginagampanan ang kanyang roles.

Hindi na kailangan ni Coco ng malakas na supporting cast. Oo nga at binigyan siya ng napakalakas na supporting cast, nagbago ba ang ratings niya? Hindi ba pareho pa rin naman noong siya lang ang star? Nagdagdag lang sila ng gastos na hindi naman kailangan, lalo ngayong kailangan silang magtipid.

Kit at Ana, may tsansang magkaayos

Ang sabi, 5:30 na raw ng hapon kamakalawa nang magpiyansa si Kit Thompson, kaya nakalaya na siya mula sa detention ng Tagaytay City Police.

 Buti pinayagan pa siyang magpiyansa beyond office hours.

Hanggang alas singko lang ang office hours, maliban nga lang kung napakiusapan nilang hintayin lang sandali, malaki rin ang itinakdang piyansa sa kanya ng korte P72K.

Ang tumayong abogado ni Kit at ang nagpiyansa sa kanya ay kanya rin namang management company, bagama’t sinabi nga nila noong una na hindi nila kinukunsinti ang ginawa ni Kit. At pareho pala ang management company nila ni Ana Jalandoni. Kaya tiyak magkakaayos din iyan.

Tiktokerist, inalok ni Direk ng mahalay na pelikula

Dahil mukhang hindi nga available ngayon ang dating sikat na male star na lagi nilang guest, ngayon naman daw, isang TikTokerist na malakas ang following ang paboritong guest sa gay parties na karaniwang ginaganap sa malalaking hotel.

Katuwaan lang naman daw iyon at karaniwang inuman. Iniiwasan na nila ang droga dahil mahirap na nga naman kung mahuli sila, at least walang droga.

Sa pagtatapos ng party ay may raffle, at ang prize ay ang guest nilang TikTokerist. Wala na rin namang problema kasi “take home” na lang siya ng mananalo.

Dalawang beses na raw siyang napanalunan ni direk, at inaalok na ngang sumali sa isang bold film na ginagawa raw niya para sa internet streaming.

Aba hindi nga malayong maging artista ang TikTokerist, hindi ba ipinagyayabang niyang nakapag-workshop na siya? Pangarap din naman niyang maging artista, kaya abangan na ninyo siya sa mahahalay na movies.

vuukle comment

COCO

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with