^

PSN Showbiz

Paolo, gustong maging mabuting ama?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, gustong maging mabuting ama?!
Paolo.

Talaga naman hindi na dapat magbigay ng comment ni Paolo Contis  tungkol kay LJ Reyes.

Ang tangi naman binding nila ay si Summer, ang kanilang anak na dinala ni LJ sa USA kaya nami-miss ni Paolo.

Kahit ano pa ang sabihin, Paolo was trying to be a good father sa mga anak niya. Tatlo ang anak niyang babae, dalawa kay Lian Paz at isa kay LJ Reyes. Puwede na hindi siya naging mabuting partner sa dalawa pero hindi puwede na ibintang na hindi siya naging mabuting ama sa mga anak.

Nasa mga ina ang mga bata, alam nila na meron din karapatan si Paolo sa mga anak, at dapat bilang mabuting ina, hayaan nilang makilala ng mga bata ang kanilang amang si Paolo.

Huwag nilang ilayo kay Paolo dahil may karapatan pa rin siya sa mga ito bilang ama. Kahit ano pa ang gawin nila, hindi puwedeng burahin na si Paolo ang ama nila.

Kahit pa nga hiwalay na sila, bigyan nila ng semblance of normalcy ang mga bata.

Sana maging maayos ang pag-uusap nila Lian, LJ at Paolo para sa kapakanan ng mga bata.

Sad na nangyari ang ganito, pero nandiyan na, gawin na lang maayos para lumaking normal at walang bitterness ang mga bata.

Showbiz hindi naging essential sa pandemic

Tama ka Salve, parang wala sa priority ngayon ng mga kandidato ang showbiz.

Hindi gaya noon na talagang open halos lahat na tutulong sa showbiz industry, ngayon hindi man lang nami-mention kung ano ang balak sa showbiz o anong tulong ang puwede nilang ibigay. Baka dahil na rin sa pandemic, covid at malalaking problema kaya parang hindi muna essential ang showbiz.

Saka talaga naman parang hindi napansin na maraming nagsarang mga sinehan, walang nagpo-produce ng pelikula na ipalalabas sa mga sinehan. Pati nga interest ng tao na dati na starstruck parang nabawasan na rin.

Baka dala nga ng pandemic na para bang hindi muna pinapansin ang showbiz.

Mabuti nga ay may naririnig na ako na may magaganap na mga concert na paisa-isa at natutuloy naman ang mga taping.

Talagang affected ang showbiz, lalo na ang mga showbiz writer na freelancer.

Nawala ang ilang publication kaya nabawasan ang mga movie pages kung saan nababasa ang mga balitang showbiz.

Unti-unting nagbabalik ang mga face to face meet and greet, pero bilang na rin ang mga invited.

Kaya nga ngayon ang time para ipakita na relevant pa rin ang presence ng showbiz sa atin.

Push natin ‘yan.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with