^

PSN Showbiz

Zia at Ziggy, kita na ang kapalaran sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Zia at Ziggy, kita na ang kapalaran sa showbiz
Zia at Ziggy.

Ang gaganda talaga ng mga anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Talagang future stars sina Zia at Ziggy na kamukhang-kamukha ng parents nilang sina Marian at Dingdong.

Halos ngayon pa lang parang alam mo na kung sino ang susunod na ge­neration ng stars. Lalo na ‘pag nakita mo ang mga anak ng stars. Pero standout talaga sina Zia at Ziggy, talagang para silang mga buhay na manika at parang anak ng foreigners dahil sa features nila na mestisang mestisa at sobra sa tisoy naman sa kanilang baby boy.

Ang ganda talaga ng genes nina Marian at Dingdong.

Kaya naman hindi kataka-takang lahat naghihintay pa sa 3rd baby nila.

Bonggang pamilya ang Dantes squad, talagang happy beautiful family. Clap clap clap.

Lovi, nasa tamang mga kamay

Merong maliit na pa-meet the press ang Regal para kay Lovi Poe. Manager ni Lovi Poe si Leo Dominquez at number 1 publicist niya si Jun Lalin.

Lovi Poe is in good hands with Leo, Jun and Regal handling her career.

At the mere fact na isang very professional at mahusay na artista si Lovi Poe kaya hindi kataka-takang nasa top of the line siya at magtatagal sa kanyang kinalalagyan.

Isa sa pinaka-friendly at sincere na artista si Lovi kaya naman madaling sumikat at minahal ng fans. Isa pa sa pinakamahusay kaya naman bata pa ay kinilala na ang pagiging mahusay na artista.

Natutuwa kami na hanggang ngayon busy pa rin ang sked niya dahil sa trabaho. At masarap isipin na ang isang Lovi ay mananatili sa kanyang kasikatan sa matagal na panahon.

vuukle comment

ZIA

ZIGGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with