^

PSN Showbiz

John Lloyd, ayaw maging exclusive?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, ayaw maging exclusive?!
John Lloyd.

Maingat ang sagot ng executives ng GMA 7 pagdating kay John Lloyd Cruz.

Sa nakaraang presscon ay diretsahan silang tinanong ni Jerry Olea tungkol sa sinabi ni John Lloyd na wala pa siyang exclusive contract sa GMA 7. Kaya hindi masasabing Kapuso talaga ang magaling na actor, dahil ang commitment niya ay sa Crown Artist Management na nagma-manage sa kanya,

Sabi ni Mr. Joey Abacan, ang GMA First Vice President for Program Management Department: “Gusto namin siya, and marami kaming ipini-pitch sa kanya na projects, ang ETV. ‘Yung Happy ToGetHer is going to have a second season.

“So, ibig sabihin nun, kasama pa rin namin siya. So, sana… huwag na muna siyang umalis, ‘di ba? I’m sure, ayaw mo rin yun! Gusto mo rin siyang manatiling Kapuso!”

Bukod sa sitcom ni Lloydie, meron ngang mga pini-pitch na project na nagustuhan naman daw ng actor.

Bukod sa movie na sisimulan daw sa May, meron ding movie project na inaalok sa kanya ang GMA 7. “We’re working on something with him right now. So, nandiyan lahat, basta nandiyan lang si John Lloyd.

“Abot-kamay lang siya. So, keri iyan. Very creative din si John Lloyd.

“Pero at this point in time, we take everything a day at a time. Happy kami with what he’s actually doing,” dagdag niyang pahayag.

Bakit kaya hindi napapag-usapan ang pagpirma ng exclusive contract, para talagang masabing isa na siyang Kapuso artist?

Per project lang kaya ang pinag-uusapan nila para kay Lloydie?

Dalawang nagnakaw sa nanay ni Nadia, huli na

May dalawang nahuli na pala sa mga taong nagnakaw ng wallet ng ina ni Nadia Montenegro sa isang membership shopping store.

Nakapanayam namin sa DZRH ang legal counsel ni Nadia na si Atty. Maggie Abraham-Garduque nung nakaraang Biyernes, at ayon sa kanya sumuko raw ang driver nung ginamit na sasakyan nung pitong nambiktima sa ina ni Nadia.

Nakita kasi sa CCTV at na-identify itong driver kaya sumuko na siya, at meron na siyang isang na-identify na nahuli na rin.

Na-inquest na silang dalawa, pero tuluy-tuloy pa rin daw ang paghahanap sa iba para masimulan na ang preliminary investigation. “Itong driver na ito may na-identify na siya. Tapos nagkaroon ng manhunt operation ng ating magigiting na kapulisan.

“Sobrang kinu-commend natin ang QCPD, ang NCRPO, and also DID, ang CIDU, Crime Investigation and Detection Unit ng Quezon City.

“Kasi talagang tinrabaho nila, walang tulog para makakuha ng lead,” saad ni Atty. Garduque.

“Pagkatapos ng investigation, CIDU found out, ang mga imbestigador nakitaan nila ng probable cause para masampahan ng kasong Theft itong kasama nitong driver ng pitong suspect,” dagdag niyang pahayag.

Ayaw na lang nilang magbigay ng ilan pang detalye dahil kasaluku­yang nagkakaroon pa ng manhunt operation.

Pero may mga nakilala na at ang iba ay inaalam pa raw ng mga kapulisan.

Sa pitong kakasuhan ay tatlo raw ang babae at apat na lalaki.

Pursigido ang Quezon City police sa paghahanap sa iba pang suspects, dahil hindi lang ang ina ni Nadia ang nagsampa ng kaso kundi meron pang mga sumunod na nabiktima rin sa naturang shopping store.

Nagpadala na rin si Atty. Garduque ng sulat o demand letter sa administration ng shopping store na ito para magbigay ng explanation sa naturang pangyayari.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with