^

PSN Showbiz

Willie, hindi malalim magtampo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie, hindi malalim magtampo
Willie
STAR/ File

Hindi ako galit kay Willie Revillame. Ever since, ganun lang talaga ang relasyon namin, I say what I want, at ganun din siya, sumasagot ‘pag napipikon, hah hah hah.

Ang sarap nga dahil pag nagkita naman kami, nagbabatian naman na parang walang nangyari, siguro nga dahil matagal na rin kaming magkakilala at hindi na malalim ang tinatanim na tampo ‘pag sumasama ang loob.

In fairness wala naman akong dapat ikagalit kay Willie Revillame, nang-iinis lang talaga ako kasi nga kung minsan nag-o-over the top din siya na paulit-ulit ang kuwento sa isang bagay. Saka ‘yung ugali niya kung minsan na para bang alam niya ang lahat, ‘yung para bang Willie Revillame ako dahil ako ang the best na peg. Pero overall, totoo namang mabait na tao si Willie, parang defense mechanism niya lang ‘yung kayabangan niya ng kaunti.

So clear, no bad bones between me and Willie, mapikon-talo. Kung galit siya, wala akong magagawa, basta ako, cool lang, chill, walang personalan, ekekan lang, hah hah hah.

Sanay na sa tawanan!

Talagang sanay na ang katawan ko na every Tuesday up and about ako dahil merong Take It… Per Minute Me Ganun at pupunta ako sa Obra ni Nanay. Mahirap ding burahin ‘yung three years na iyon na naging ugali mo, lalo sa akin na iyon lang yata ang diversion ko as a 75 years old senior.

Madali ring intindihin ang katuwiran ni Cristy Fermin, biglang hindi na siya masaya, gusto na niya ng ibang path sa kanyang journey, so bigyan mo siya ng laya sa gusto niya.

Maliwanag ang stand ko, habang masaya pa ako sa Take It…, habang hindi pa ito isang trabaho para sa akin, tuloy lang ako. Iyon pa rin ang team Take It…, nawala lang si Cristy na ayaw namin palitan nila Mr. Fu. Sure ako na kahit kasama ni Cristy sina Morly Alinio at Rommel Chica, kami pa rin ni Mr. Fu ang mas mahal niya, hah hah hah. Talaga lang kung minsan hindi nawawala ‘yung sabi nga, ‘naalog’ ang samahan, medyo may dumarating na konting ‘punit’ pero hindi naman warak na warak.

Sa edad kasi namin ni Cristy siguro nga ‘yung senior moments dapat naiintindihan ng mga mas bata sa amin, at nakikita ko naman na tanggap din nila kaya nga lang siyempre choice pa rin ni Cristy na gusto niya ng iba namang landscape sa ngayon. Basta, habang walang pressure, walang stress, at happy go lucky lang ang Take It…, tuloy pa rin ako. Malay natin, sa ending, kami uling tatlo nina Cristy at Mr. Fu, ganyan lang naman ang traffic ng buhay, iba’t ibang daan, pero sa dulo, nagtatagpo din. Basta nandu’n pa rin ang friendship, walang problema, kanya-kanya muna tayo, saka na ulit tayo magsama-sama. Till we see each other again.

Basta, happy Tuesday pa rin, follow n’yo pa rin kami ni Mr Fu, kasama pa rin namin sina Salve, and’yan si Gorgy , bigay pa rin namin ang happy pills ninyo, basta happy lang, walang sad. Watch n’yo rin kami, sa Take It! Take It! ‘MeGanon?!, 12 to 1 ng hapon sa YouTube at Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with