^

PSN Showbiz

Matapos itangging matsutsugi, LOL may papremyo sa mga marites at OPPA ng bayan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos itangging matsutsugi, LOL may papremyo sa mga marites at OPPA ng bayan!
LOL hosts at Entertainment Press.

Ang saya ng bagong segment ng Lunch Out Loud (Brightlight Productions) sa TV5, ang Maritest, na nagkaroon ng run-through last Saturday afternoon.

Dedicated ito sa lahat ng mga Marites (mars ano ang latest) na talagang sumikat dahil sa mga latest chika nila.

Sa mga interesadong sumali, madali lang.  At puwede kang manalo up to P50,000 basta alam mo ang mga pangyayari sa showbiz noon at ngayon.

Yup, hindi lang naman ‘yung mga isyung pinag-uusapan ngayon. Dapat updated din kayo sa mga naganap noon sa showbiz kaya kailangan ding mag-research kahit papaano.

Last Saturday nga ay nag-invite ng ilang entertainment press ang LOL sa kanilang set.

Si Billy Crawford ang nag-assign na mag-host.

Ang taas ng kanyang energy at ang naglaro, ang Brightlight Productions manager na si Ms. Pat-P Daza. Aliw dahil paglabas ni Billy ay naka-boxer shorts habang naka-coat. Hahaha.

May limang tanong na kailangang sagutin ang contestant (Marites) at kung mahihirapan siyang sumagot at kailangang mag-call a friend may tatlong option - 1. Hanash ng mga manash ; 2. Call A Sismosa ; 3. Say Ni Maritess.

May one minute ang contestant para tulungan ng tatawagan niya. Pero ‘pag nagkaroon ng ma­ling sagot ang Marites, back to zero ang kanyang premyo.

Kaya dapat expert ka sa mga pinag-uusapang isyu at kontrobersya as in karerin mo ang pagiging Marites.

Actually, in a way, mind game rin ito dahil kung makakalimutin ka, waley rin.

Wagi si Pat-P ng P50,000 dahil nasagot niya nang tama ang lahat ng tanong ni Billy.

At nang i-upload ng LOL sa kanilang Facebook page ang nasabing run-through, grabe ang comment at ang dami agad gustong sumali.

Bukod sa Maritest, ang newest game segment para sa mga Quiz-mosa, ang isa pa silang bagong segment – ang OPPAng LOL na sigurado raw kakikiligan ng mga fan girl at fan boy.

Marami nga namang gwapo at talented Pinoys ngayon na kayang maki­pagsabayan sa trend ng Idol Culture.  At ito ang magbibigay ng opportunity sa kanila para tuparin ang kanilang pangarap na maipakita ang kanilang idol feature at talento sa pagsayaw at pagkanta sa national TV.

Magsisimulang mapanood Maritest at OPPAng LOL next week this month.

Mahigit isang taon na ang LOL (Lunch Out Loud), hosted by Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas, Wacky Kiray, KC Montero, Jeff Tam at Laboching!

At in all fairness, P35 million na pala ang papremyo na kanilang naipapamigay sa mga mano­nood sa segments nila tulad ng Pera Usog, Sagot Mo Sagot Ko, Beat The 2, Hope at Tao Ibon.

Nauna nang itinanggi ng management ng LOL na matsutsugi na ang LOL.

Ayon kay Billy, part of the ‘game’ na ang balitang pagtsugi sa mga programa. “Nandito kami para ipagpatuloy lang namin kung ano ‘yung nawala sa amin nung dalawang taon na wala kaming trabaho.

“Thank God for Brightlight. Thank God for Lunch Out Loud dahil sa awa ng Diyos, aminado naman din kami na, there are times na nag-i-struggle kami sa ­ratings. Pero may times na nagugulat kami, pumapalo (ang rating),” pahayag pa ni Billy.

vuukle comment

LOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with