^

PSN Showbiz

Aktor, walang pakialam sa pamilya ng karelasyong controversial actress

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Tahimik lang ang relasyon ngayon ng kilalang male celebrity sa isang controversial actress na medyo maingay din ang pakiki­paghiwalay sa dating karelasyon.

Mukhang happy naman si controversial actress sa bagong pag-ibig at finally, ipina­kilala na siya sa pamilya ng kasalukuyang karelasyong si male celebrity.

Maayos naman ang pagtanggap sa kanya ng buong pamilya, kagaya ng mga nakaraang karelasyon ni male celebrity.

Napag-alaman naman naming hindi pala boto ang pamilya ni controversial actress dito kay male celebrity.

Pero keber ni male celebrity. Wala raw siyang pakialam kung ayaw sa kanya ng buong pamilya. Ang mahalaga ay masaya silang dalawa at hindi na sila nagpapaapekto sa mga sabi-sabi sa paligid.

Basta tahimik lang ang relasyon nilang dalawa.

Paano ba naman, mas mayaman ‘di hamak ang dating karelasyon ni controversial actress kesa rito kay male celebrity.

Aga, ayaw na sa pulitika

Natatawa na lang si Aga Muhlach kapag kinakantiyawan ng kakuriputan niya, pero lingid sa kaalaman ng lahat, ang dami niyang natulungan na talagang nabago ang buhay.

Hindi ito ipinagyayabang ni Aga, pero napilitan siyang ibahagi ito nang humarap siya sa members of entertainment press na dumalo sa mediacon ng bago niyang feel-good reality show sa Net 25 na Bida Kayo Kay Aga.

Magsisimula na ang programang ito sa March 26 ng 7 p.m. kung saan ay bibigyan nila ng spotlight ang mga sinasabi nilang ‘everyday heroes.’

“Mula nung binata ako, hindi ko lang nasasabi, marami akong natulungan talaga,” pakli ni Aga sa nakaraang mediacon. “Marami akong napasa­yang tao, at hanggang ngayon ‘pag binabalik-balikan ko ‘yun, meron akong mga pamilyang, mga anak nilang napagtapos ko nang pag-aaral. Meron akong nabigyan ng shelter. Meron akong nabigyan ng hanapbuhay.

“Ngayon ko lang pag-uusapan ito, and even now, sabi ko walang tatalo talaga sa ligayang nakikita ko sa kanila na tuwang-tuwa sila, ‘yung pasasalamat nila na dahil dun, hindi ko kasi sila nabigyan ng poot, binigyan ko sila ng buhay.

“Nabigyan ako ng pagkakataon na tumulong sa kanila ng lubus-lubusan. And hanggang ngayon, hindi makakalimutan na para sa akin iyun ang nagpabida sa puso ko na itong mga taong ito… in my own little way, I was able to save a lot of people, ang natulungan ko through the years mula nung binata pa ako,” dagdag niyang pahayag.

Kaya nagpapasalamat siya rito sa Net 25 na sa kanya ibinigay itong programang ito.

Iba raw talaga ang feeling kapag nakikita ang sobrang tuwa ng mga taong nabibigyan nila ng tulong, lalo na ‘pag sinorpresa sila ni Aga na siya pala ang mag-i-interview.

Tanong nga sa kanya baka paghahanda na ito sa plano niyang pagpasok uli sa pulitika.

“Marami na masyadong nangyayari sa politics.

“We’re too divided already, so, I’m glad na right now I’m doing shows that are feel-good shows because of what’s happening around us.”

Paolo, may na-miss

Na-miss din ni Paolo Contis ang matagal-tagal na bakasyon sa All-Out Sundays. Kaya ngayon ay tuluy-tuloy na siya sa comedy segment ng naturang programa.

Bahagi pa rin si Paolo sa musical fantasy-comedy nitong Ibong Pak na Pak kasama sina Pekto, Tuesday Vargas, Crystal Paras, Skelly, Rita Daniela at Yasmien Kurdi.

vuukle comment

ACTRESS

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with