^

PSN Showbiz

Abogado ni Dawn Chang, kakasuhan na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Mukhang mauuna pang makasuhan ang abogado ni Dawn Chang na si Atty. Rafael Vicente Calinisan kesa sa kliyente niya dahil sa inilabas na statement para kay Tita Cristy Fermin na inireklamo ng dating PBB host.

Ayon kay Atty. Ferdie Topacio, pagbalik daw niya ng Davao ay aayusin na nila ni Tita Cristy ang kasong isasampa nila laban kay Atty. Calinisan.

Nilinaw niyang wala itong kinalaman sa isyu nina Dawn at ng veteran columnist.

Ito’y kaugnay sa inilabas ni Atty. Calinisan na statement at parang demand letter na rin para kay Tita Cristy na may nagagamit umano siyang mga pahayag na sa tingin nina Atty. Topacio, may nilabag sa batas.

Ani Atty. Topacio; “Nasa Davao lang kasi ako ngayon. Pagbalik ko, pinari-ready ko ang mga witness.

“Sinabi naman namin mag-apologize siya.

“Hiwalay naman ito kung ano ‘yung ipa-file ni Dawn Chang. Ang task naman namin dito ay si Atty. Calinisan, for issuing that public statement na tingin namin ay labag sa batas at labag sa kanyang code of conduct bilang isang abogado.

“We’re ready. Nag-usap na po kami ni Nanay Cristy before I left. Mag-uusap uli kami pagbalik ko sa Lunes.”

Hindi pa masabi ni Atty. Topacio kung ano ang ikakaso.

“’Pag naupuan namin nung witness... depende po sa statement ng witnesses, madi-determine namin kung anong ground.

“’Yung kanyang misconduct as a lawyer ay administrative case ‘yun for disbarment.

“Puwede ka naman mag-statement na abogado.

“Ako… I make public statement all the time pero hindi personal,” dagdag niyang pahayag.

So far, wala pa naman ka­ming nasagap na balita kung may isasampa nang kaso si Dawn.

Erich, kinaiinggitan

Wala pang inilabas na statement si Erich Gonzales, pero pinagpiyestahan ng netizens ang lumabas na marriage banns ng Saint James the Great Parish sa Ayala Alabang.

Nakasaad doon ang nakatakdang pag-iisang dibdib nina Mateo Rafael Lorenzo, 29 years old, kay Erika Chryzelle Gancayco, 31 years old, sa March 23 ng taong ito.

Si Erich si Erika Gancayco, na kinaiingitan ng ibang nagku-comment dahil sa napakayaman daw ng pakakasalan nito.

Sabi nga nga ibang nagku-comment, iba raw talaga kapag maganda ka, makakapili ka ng mayamang pakakasalan.

Edgar Allan, nilantad ang bagong katawan

Ngayon na ang huling linggo ng Mano Po Legacy at ang papalit sa timeslot na ito ay ang first directorial job ni direk Jerry Sineneng sa GMA 7 na Widows’ Web.

Kung matindi ang tarayan nina Sunshine Cruz at Maricel Laxa sa Mano Po, parang level up ang bonggang tarayan dito nina Carmina Villaroel, Vaness del Moral at Ashley Ortega.

Mukhang api-apihan naman dito ang isa sa main cast na si Pauline Mendoza, kasama si Edgar Allan Guzman.

Dito sa Widows’ Web ay kapansin-pansin ang ganda ng katawan ni EA Guzman na madalas niyang nadi-display sa TikTok.

Sabi ng magaling na aktor sa nakaraang mediacon ng Widows’ Web, hindi lang daw para sa bagong series niya ang pagpapaganda ng katawan kundi para na rin daw may bago siyang maipapakita sa kanyang followers.

“Siyempre, hindi naman ako bumabata eh. Kailangan kong may something to offer na bago para sa kanila. Para ‘pag makita nila ako, ‘ah may iba kay EA. Para sa akin, malaking bagay ‘yun.

“Dinadala ko sa TikTok, dito sa lock in ‘pag wala akong taping, rest day namin, naghahanap talaga ako ng time para may maipakita ako para alam din ng mga sumusuporta sa akin kung ano ‘yung ginagawa ko,” pakli ni Edgar Allan.

Bukod pa riyan, kailangan daw niyang ma-maintain ang ganda ng katawan, para na rin sa kanyang Bench Body endorsement.

“Kailangan ko lang din patunayan o ibalik din sa Bench Body sa pagkuha nila sa akin bilang isang endorser.

“I’m very grateful to them, kasi kahit medyo matanda na tayo, nag-trust sila sa akin na i-endorse ‘yun.”

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with