^

PSN Showbiz

Rico, hirap nang magmemorya ng dialogue!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rico, hirap nang magmemorya ng dialogue!
Rico at Maris.

Muling sumabak sa pag-arte sa harap ng kamera si Rico Blanco pagkalipas ng mahigit isang dekada.

Magbibida ang binata sa The Bitter Hopia episode ng The Goodbye Girl na mapapanood sa iWantTFC simula ngayong Feb. 14. “It’s good to be back. It’s good to be part of creating a visual and acting. I’m not ashamed talaga to say na all these years I love to act. I think our episode is a very relatable episode,” bungad ni Rico.

Katambal ng dating bokalista ng bandang Rivermaya ang kasintahang si Maris Racal sa naturang digital series.

Gagampanan ni Rico sa bagong proyekto ang karakter ni Caio na isang musician. Ayon kay Rico ay talagang ibang-iba ito kumpara sa kanyang mga nagawa na noon sa teleserye. “I think kasi ‘yung roles ko dati was iba-iba. ‘Yung role ko sa Imortal medyo mabigat and it had to be mabigat for me to change. So it was very heavy and it’s out of this world ‘yung analogy. Ito, this role is like so real kasi it’s not exaggerated and parang it’s so exaggerated. Parang it’s so everyday ‘yung mga situation. But I think deep inside pareho din ‘yung nag-o-operate kasi there’s always a human being serious about living his life in any character I play. That’s how I approach it,” paliwanag niya.

Kahit nag-enjoy sa trabaho bilang artista ay aminado naman si Rico na talagang nahirapan siyang kabisaduhin ang kanyang mga linya para sa serye. “The preparation for me was really just hindi ko alam kung kaya ko pa mag-memorize ng lines. Kasi matagal na akong hindi nag-memorize. Sabi ko kahit mga kanta ko hindi ko na memorized. Especially in the recent years na mas nag-behind the scenes ako sa music production,” natatawang kwento ni Rico.

Louise, mapangahas

Si Louise delos Reyes ang gumaganap bilang asawa ni Diego Loyzaga sa pelikulang The Wife na mapapanood sa Vivamax.

Mapangahas daw talaga ang mga eksenang ginawa ng aktres para sa naturang proyekto. “From the start naman wala akong hindi sineseryoso na trabaho. Kasi at the end of the day, trabaho pa rin ito and naturingan din na ito rin ‘yung passion ko. Simula pa lang wala naman akong filter and ang totoo niyan nagkaroon ng doubts. Pero in-assure naman ako ni boss Vic (del Rosario) and direk Denise (O’Hara) na ‘yung eksena maganda ‘yung kalalabasan,” nakangiting pahayag ni Louise.

Posible kayang magtutuluy-tuloy na ang aktres sa pagpapaseksi sa mga proyektong gagawin? “Hindi ko masasabi na start na ‘to kasi medyo hesistant pa rin talaga ako sa mga gano’ng eksena. And kapag hesitant ka kasi, ayoko ‘yung feeling na hindi mo mabibigay ng 100% ‘yung sa trabaho mo kasi meron kang doubts, meron kang hesitation. Pero nagma-matter talaga ‘yung takbo ng istorya hanggang dulo kung essential ba siya or importante ba siya. So ayun, do’n na talaga ako nagbe-base ngayon,” giit ng dalaga. Reports from JCC

 

 

 

 

vuukle comment

RICO BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with