^

PSN Showbiz

Magkakariton, mabibigyan ng pag-asa sa pera usog!

Pilipino Star Ngayon

Tuluy-tuloy ang hakot ng swerte sa Lunch Out Loud ngayong 2022, hosted by Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas, Wacky Kiray, KC Montero, Jeff Tam at Labo­ching.

Ngayong Feb. 9, tatlo sa mga katropang LOL  na magkakariton ang mabibigyan ng pag-asa para maiuwi ang Pera Usog jackpot prize na P100,000 o brand new car!

Isa sa kanila ang buko vendor na si Tatay Winne Fredo Alvaredo Guimong, 55 years old mula sa Taytay, Rizal. Tatlong dekada nang nagtitinda si Tatay Winne Fredo ng buko at palamig sa pamamagitan ng pagtutulak ng kariton. Kasama niyang sumusugod sa init at ulan ang asawa na si Josephine at sila ay may limang anak. Kumikita siya ng halos P500 kada araw at walang permanenteng pwesto. Ang hiling ni Tatay ay magkaroon ng pandagdag puhunan at makabili ng side car na magagamit sa pagtitinda dahil hindi na raw niya kinakaya ang pagod sa mabigat na trabaho.

Pangarap ni Tatay Winne Fredo ang makasali sa Pera Usog segment ng Lunch Out Loud. Pero mahirap para sa kanya ang sumali dahil hindi sya marunong bumasa at sumulat. Sa tulong ng isang kapitbahay na nagpahiram sa kanya ng cellphone, nakahanap siya at ang kanyang anak ng paraan para makasali. Nakiusap si Tatay Winne Fredo sa kapitbahay na kung sakaling tumawag ang programa ay agad siyang puntahan sa kanyang pwesto. Laking tuwa niya nang tumawag ang LOL staff para sabihing isa sya sa napiling maglalaro sa Pera Usog!

At suwerte, naka-jackpot siya. Napalitan na ng brand new car ang kanyang kariton.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

LOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with