^

PSN Showbiz

Nakilalang tindera sa Dangwa, binalikan ni Atom Araullo

Pilipino Star Ngayon
Nakilalang tindera sa Dangwa, binalikan ni Atom Araullo
Atom Araullo.

MANILA, Philippines — Ngayong Sabado (Feb. 5) sa I-Witness, muling bibisitahin ni Atom Araullo ang nakilala niyang tindera sa Dangwa na dati nang naging subject ng programa.

Pebrero rin noong nakaraang taon nang makilala ni Atom si Nanay Naring. Nasundan ni Atom ang kuwento ng kanyang pagpupursige at payak na pamumuhay sa dokumentaryong Ligaw Na Bulaklak.

Sa halip na coco grass, tambo at foxtail grass na ngayon ang pakay ni Nanay Naring sa mga liblib na kabundukan ng Rodriguez, Rizal. Gaya ng nakagisnan, nagpatuloy sa pagbebenta ng mga ligaw na bulaklak si Nanay Naring sa Dangwa sa Maynila.

Mailap na nga ang pag-asenso sa kanya, nadagdagan pa ang pasanin sa buhay ni Nanay Naring matapos tamaan ng mild stroke ang asawang si Jonathan. Kaya naman kahit mapanganib bumiyahe sa Maynila dahil sa banta ng COVID-19, pikit-mata na lang itong ginagawa ni Nanay Na­ring para kumita ng pera. Matindi ang pangangailangan nila ngayon para sa pambili ng gamot ng kaniyang asawa.

Sa kanyang pagbisita sa Dangwa, kukumustahin ni Atom si Nanay Naring at aalamin kung paano nito hinaharap ang mga bagong hamon sa buhay.

Fr. Tito Caluag, hatid ang usapang sibika

Usapang kasaysayan, kultura, at sibika ang pangungunahan ni Fr. Tito Caluag sa bagong programa na Proyekto Pilipino: Mga Talakayan sa Sibika at Pulitika ni Fr. Tito Caluag at Tropa, na mapapanood na sa Jeepney TV simula Linggo (Pebrero 6), 6 p.m.

“Ito ay para ipaliwanag sa kabuuan kung ano ba ang voting process, ano ang kahalagahan nito sa ating democratic space, at ano ang kahalagahan nito sa darating na eleksyon,” ani Fr. Tito na isang professor at spiritual adviser.

Makakasama niya sa lingguhang diskusyon ang historians at thinkers na sina Manolo Quezon III, Dr. Leloy Claudio, at Carlo Santiago.

Si Manolo ay isang TV host, writer, at dating Undersecretary ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.

Isa namang cultural historian, awtor, at professor sa UC Berkeley si Leloy na naging host ng Rappler video series na Basagan ng Trip. Si Carlo ay isa ring manunulat, entrepreneur at miyembro ng Anastacio Institute, isang non-profit organization na nakatutok sa pang-unawa at appreciation ng karanasang Pinoy sa pamamagitan ng pagkukwento.

Isang public affairs program na ginawa katulong ang Conscience Collective, ang Proyekto Pilipino ay magtatampok sa kwentuhan tungkol sa mahahalagang kaganapan sa kasaysayan at mga kasalukuyang isyu para magtulak sa pang-unawa at tulungan ang mga Pilipino na mapag-isipang mabuti ang kanilang karapatan at obligasyon sa darating na halalan.

Tampok sa unang episode ng Proyekto Pilipino ang usapin sa halaga ng pagboto ng mga kabataan, overview sa proseso ng botohan, at balik tanaw sa mga nangyari noong 2021 pantungo sa magaganap hanggang Mayo.

 

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with