^

PSN Showbiz

Maris, may natuklasan kay Rico habang nasa taping!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris, may natuklasan kay Rico habang nasa taping!
Maris
STAR/ File

Nagkatrabaho sina Maris Racal at Rico Blanco sa iwanttfc original series na the Goodbye Girl. mapapanood ito simula feb. 14 at ayon sa aktres ay taLAgang nanibago siya ngayon sa trabaho dahil ang nobyo ang nakasama rito. “At first it felt really strange to be working with Rico on the same set. Kasi sanay ako sa kanya as him and like hindi ako sanay na umaarte siya na ibang tao or nag-a-acting siya. Inisip ko, ‘Parang hindi ko ‘to boyrfriend,’ Parang gano’n ‘yung feeling,” natatawang kwento ni Maris.

Para sa aktres ay mas kompor­table siya ngayon na ang kasintahan ang nakasama sa trabaho. “Super comfor­table ako, kaya masaya ang magjowa ‘pag nasa set sila. Kasi masaya kasi nandiyan boyfriend nila. Okay, ganito pala kasaya ‘yon. Ngayon na meron akong kaeksena na boyfriend ko that makes me very happy,” paglalahad ng dalaga.

Ngayong nakatrabaho si Rico bilang artista ay mayroong mga bagay na natuklasan si Maris sa binata. “Sa taping na-discover ko kay Rico he’s so chill. Ako kasi sobrang organized ko sa mga eksena. Kapag may tini-take na ako I know na what I’m going to take next and ‘pag may nangyaring mali parang mai-stress ako ‘pag nag-change ng plans gano’n ako. Si Rico sobrang chill niya pala ‘pag nagte-taping. Ang saya nito ka-tandem kasi nadadamay ako sa pagka-chill niya,” pagbabahagi ng aktres.

Mark, ibang-iba ang ginawa sa comeback nila ni Claudine

Simula noong Jan. 28 ay napapanood na sa Vivamax ang pelikulang Deception na pinagbibidahan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

Dalawampu’t limang taon na ang nakalilipas nang huling nagkatambal sa pelikulang Mangarap Ka ang dating magkasintahan. Hindi raw nagpatumpik-tumpik pa ang aktor nang mabalitaan ang tungkol sa reunion movie nila ni Claudine. “Sabi ko this must be big. This must be another next best thing because it’s Claudine Barretto. Sobrang na-excite ako, natuwa. Sabi ko matutuloy na rin sa wakas. Tapos itong script na ‘to, no’ng binabasa ko, okay siya. No’ng sihinu-shoot namin lalo siyang mas okay. So sabi ko medyo jackpot, ‘yon ‘yung naramdaman ko,” pagtatapat ni Mark Anthony.

Ayon naman kay Claudine ay masaya rin ang mga tagahanga ng kanilang tambalan ng aktor dahil sa natu­rang digital film. “Feeling ko napakaswerte ko kasi happy talaga ‘yung mga fans namin na nagkasama kami. Ito na ‘yung inantay nila ng ilang taon. So finally nangyari na. Ang gusto kong makita ng mga fans sa amin ni Mark na we are professionals na kahit anong role kaya naming gawin. Ito kasing pelikulang ito hindi siya ‘yung love story na nakakakilig pero sobrang ganda and talagang susubaybayan ng tao. Kasi ibang-iba naman siya sa inaakala ng tao na gagawin naming pelikula ni Mark,” pahayag ni Claudine.

vuukle comment

MARIS

RICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with