^

PSN Showbiz

Erich, madaling magpatawad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erich, madaling magpatawad!
Erich.

Isang masayang karanasan para kay Erich Gonzales ang naging lock-in taping para sa teleseryeng La Vida Lena.

Sa Biyernes ay magwawakas na ang naturang programa na pinagbibidahan ng aktres.  “Kakaibang experience pero masaya siya. ‘Pag nasa lock-in kayo, kayo-kayo lang ‘yan. Sa simula pa lang ng araw at ‘pag mag-e-end. Ang pinaka-ichi-cherish ko na lang talaga siguro is ‘yung samahan na binuo namin. Talagang naging pamilya kami kasi it’s different. Shinoot namin ‘yun nitong pandemic. Pero worth it lahat ng pagod namin lahat dahil kahit na magtatapos tayo may nakapagsabi na consistent na number one ’yung La Vida Lena sa iWantTFC. So we’re very grateful. ‘Yung pakiramdam ko ngayon siguro lahat naman ‘pag nandiyan na ‘yung end may lungkot. But siguro nangingibabaw ‘yung pagi­ging mas grateful namin kasi simula no’ng nag-air ‘yung La Vida Lena, nando’n ‘yung suporta nila. Talagang sinubaybayan nila at pinanood nila kahit na medyo late na,” pagbabahagi ni Erich.

Para sa aktres ay talagang malapit sa kanyang puso ang ginampanang karakter bilang si Lena. “She’s like me in a way na Magdalena. ‘Yung pagmamahal niya sa mga tao importante sa kanya. Pero different kami siguro dahil I am not vengeful. Ang importante lang kung ano ‘yung itinatanim natin sa loob natin, kumbaga, kasi ‘yon din ‘yung magfo-flourish so might as well puro kabutihan na lang dapat. I know walang perpekto sa mundo, pero given the chance puro kabutihan na lang sana. Forgive not for anyone but for yourself talaga. Kasi ikaw rin naman ang mahihirapan niyan eh, if meron kang tinatanim na grudge or hatred,” paliwanag ng dalaga.

Maraming mga bagay rin ang natutunan ni Erich mula sa kanilang serye. “Maraming lessons ‘yang show, pero ngayong last week na ang pinaka-importante talaga is forgiveness. Nagsimula ang lahat sa pagmamahal, ang dami ng nangyari but at the end of the day ‘yung realization diyan parang forgiveness talaga eh. Kasi it’s a gift also that you give yourself. To finally have that peace. Lahat ng ginagawa natin meron ‘yang balik,” paglalahad ng aktres.

Belle, hindi makapaniwala sa resulta ng concert

Naging matagumpay ang kauna-unahang concert ni Belle Mariano na may titulong Daylight noong Sabado. Labis ang kaligayahan na naramdaman ng aktres base sa kanyang Instag­ram post. “Thank you, words aren’t enough to describe how amazing this journey was. Thank you Direk (Alco Guerrero) for making this concert just as how I imagined it to be and to everyone behind all of this I thank you for making this such a memorable moment,” bungad ni Belle.

Pinasalamatan din ng aktres ang mga naging panauhin na sina Kyle Echarri, Ben&Ben, Jayda Avanzado, Trisha Denise, SAB at Donny Pangilinan.

Malaki rin ang pasasalamat ni Belle sa lahat ng mga tagahangang naglaan ng panahon upang mapanood ang naturang digital concert. “To everyone who watched and supported this concert, thank you for stepping in to the daylight with me. Lastly, to our Loving Father, our Almighty Creator, I thank you. You made the little girl’s dream come true. I hope this concert reminds us that amidst all the chaos, and darkness, we should always seek hope because there will always be daylight,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with