^

PSN Showbiz

Francine, tatanggap ng trabaho kahit wala si Kylie!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Francine, tatanggap ng trabaho kahit wala si Kylie!
Francine.

Katatapos pa lamang magdiwang ni Francine Diaz ng kanyang ika-18th kaarawan noong January 27.

Kahit nakapag-debut na ay aminado ang aktres na hindi pa nakararanas na magkaroon ng kasintahan mula noon pa man. “Wala po, pro­mise. Ang daming hindi naniniwala ‘pag sinasabi kong wala pang nanliligaw. Wala po talaga, wala rin naman pong umaamin kaya wala rin po akong reason para mag-boyfriend,” pagtatapat ni Francine.

Para sa aktres ay wala namang magi­ging problema kung magkaroon man ng nobyo lalo pa’t nasa tamang edad na rin siya. Gusto rin umanong maranasan ni Francine kung paano umibig at magmahal katulad ng ibang mga kabataan. “Siyempre gusto ko rin pong ma-experience. Kasi parang feeling ko iba rin ‘yung love na mabibigay ko sa teenage years ko kapag adult na ako eh. Wala eh, so career,” giit ng dalaga.

Kadalasan ay si Kyle Echarri ang nakakatambal ni Francine sa mga proyektong ginagawa.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay posible ring tumanggap ang aktres ng mga proyekto kahit hindi si Kyle ang makakasama. “Ako po siguro kahit sino basta mabait siya. Hindi naman po ako talaga naghahanap agad ng bagong ka-love team. Basta po ‘yung makakasundo ko at siyempre respect sa aming lahat, sa amin nina mama pati sa akin,” makahulugang paglalahad ng aktres.

Yeng, inaming hugot song para kay Ryan ang ‘Babay’

Noong Biyernes lamang nabunyag sa It’s Showtime ang nangyaring panliligaw ni Ryan Bang kay Yeng Constantino sampung taon na ang nakalilipas.

Nagkaroon na ng closure sa pagitan ng dalawa noong araw na iyon.

Noong Sabado naman ay naibahagi ni Yeng sa naturang programa na malaking bagay ang pagkakaroon nila ng closure ni Ryan. “Oo, super sobrang nakatulong ‘yung kahapon na narinig ko ‘yon kay Ryan. Meron palang gano’n ano? Meron kang point of view pero narinig mo ‘yung person, ay nando’n pala siya galing. Mas magaan na, siguro kung magkakadaupang-palad kami dito sa hallway, mas magaan na. hindi parang nag-iiwasan pa kasi may awkwardness din kami eh,” pagtatapat ni Yeng.  

Kasunod nito ay marami umanong nagtatanong kung si Ryan ba ang tinutukoy ng singer sa kanta niyang Chinito. “Ayan na nga po ang pagkaklaro. Actually po ang ‘Chinito’ ang sumulat lalaki, si Jed Dumaual ang aking kaibigan. ‘Chinita’ ‘yan dati, tapos narinig ko, sabi ko, ‘Ang ganda ng kanta, gusto kong kantahin.’ Pero may isang song na medyo pinaghugutan talaga ng mga pinagdaanan namin (ni Ryan). Alam n’yo ‘yung song ko na B-a-b-a-y? ‘Pwede mo naman akong i-text… pwede ka rin namang tumawag… pwede mo rin namang ipasabi kay Manong Boggart, pero bigla kang Nawala.  Sana nagpasabi ka man lang, hindi ganito, wala akong alam. Ang dali kayang magsabi ng babay, ang dali kayang magsabi ng babay, ang dali kayang magsabi ng babay, b-a-b-a-y,” pagbabahagi ni Yeng. Reports from JCC

   

 

 

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with