^

PSN Showbiz

Dra. Vicki, Hayden at Scarlet, nami-miss na rin bumiyahe sa abroad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dra. Vicki, Hayden at Scarlet, nami-miss na rin bumiyahe sa abroad
Scarlet.

Dahil mahirap ngayon ang biyahe pa abroad, ang Balesin at Amanpulo ang naging destination ng marami,  Salve. Sa Balesin nagbakas­yon sina Dra. Vicki Belo, Dr. Hayden Kho at Scarlet dahil miss na raw ni Scarlet sumakay ng plane.

At puwede rin by now, plan na nila na sa Amanpulo naman magpunta. Ang hirap talaga kasi ‘pag nasanay ka sa travel at biglang mangyari ang ganito na mahirap pa ring lumabas ng bansa, siyempre hahanapin ng katawan mo ‘yung mga dating ginagawa. Basta ako, isa lang travel ang gagawin ko at isama ko kayo nina Gorgy Rula, Rose Garcia at Vinia, Salve.

Pupunta tayo ng Korea at rarampa ng bonggang-bongga sa paghahanap ng mga Oppa na lalo ko na miss dahil paulit-ulit ako watch ng Koreanovela habang lockdown at quarantine.

Naku iyan talaga ang una kong gagawin, pa-book pa­puntang Korea, agad-agad, soon na soon. Hah hah hah, tara na, Korea here we come.

Zia, tinuturuang maging independent

Bongga si Zia Dantes ha. Imagine mo marunong ng mga gawaing bahay at talaga raw tumutulong sabi ni Dingdong Dantes. Siguro nga training ni Marian Rivera iyon para lumaking independent at matuto si Zia na magtrabaho sa loob ng bahay para hindi maging mahirap dito kung sakali na walang katulong sa bahay.

Siguro nga dapat na ganito ang gawin habang mga bata pa sila para hindi maging mahirap paglaki. Bongga talaga ang pagiging mother ni Marian. Very hands-on kaya naman ang ganda ng paglaki nina Zia at Ziggy.

vuukle comment

SCARLET SNOW BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with